Chapter 28

841 24 36
                                    

Chapter 28

Dedicated to @jeenney

"DID HE HURT YOU?" Malayang tanong ni Wave nang makarating na sila ng bahay.

"N-o."

Patuloy pa rin siyang nanginginig ng mga oras na iyon. Nangangatal na ang kanyang mga labi dahil sa mainit na halik ni Sean. Hanggang ngayun ay hindi niya maipaliwanag ang takot na umusbong sa kanya, nang hawakan siya nito't sabisabin ng halik kanina sa Aristocrat restaurant.

"Eleven, nagbabago na ba ang isip mo?"

Nanghihinang napaupo siya sa couch at niyakap ang sarili. "W-ave, hindi 'yun ganun. Natatakot lang ako na baka mahulog ulit ang loob ko sa kanya."

Lalo na't araw-araw na din siyang pinapadalhan ng mga bulaklak at chocolates ni Sean. Lahat ng mga iyon ay itinatapon niya sa basurahan, kahit ni isa'y wala siyang tinanggap. Hindi naman masamang umiwas hindi ba? Para naman sa kanya ang ginagawa niya. Umiiwas lamang siyang matukso sa mga ginagawa ni Sean, dahil baka sa huli'y siya nanaman ang kawawa at mamulubi ng pag-ibig rito.

Ayaw na niyang maulit pa iyon.

"Look at me," mariing utos nito.

Dahan-dahan siyang umangat ng tingin kay Wave. Pinag-aralan niya ang kabuuan ng mukha nito. Walang hindi perpekto sa hugis ng mukha nito, hanggang sa mga labi at ilong. Lahat ng mga iyon ay may sinasabi at maipagmamayabang. Technically, he has everything.

Ngunit, bakit?

Bakit hindi niya ito masagot-sagot kung ganoon? Matagal na rin naman itong nanliligaw sa kanya. Subalit bakit hindi niya magawang sagutin  at pagbigyan ang nais nito? Wala na ba talaga siyang panahon para umibig? O, sadyang takot lamang siyang maulit muli ang nangyari?

"Hindi ako bulag upang hindi maunawaan ang bagay na ginawa niya sa'yo kanina," seryosong aniya nito.

Napapahiyang lumihis siya ng tingin.

"Sinubukan ka niyang angkinin 'di ba?" naningkit ang mga mata nito. "Am I right?"

Nanlalaki ang mga matang muling tumingin siya dito. Kasabay niyon ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Nagpatuloy ito, "Well, nasa sa'yo na 'yan kung muli kang magpapakatanga sa kanya."

"Wave!" nahihiyang sigaw niya sa pangalan nito. "What are you saying?"

Salubong ang kilay na nakipagtitigan siya rito. Namulsa ito sa suot nitong jeans at tumagilid bago ito nagsalita.

"Alright, I won't judge you," wika nito habang nakatingin pa rin sa gawi niya. "I am just warning you."

Tumalikod na ito.

Tulalang pinagmasdan niya ang paglakad nito papalayo sa kanya. Nanlulumong naitakip niya sa mukha ang mga palad. Tinamaan siya sa binitawan nitong salita sa kanya. Sapul na sapol siya't hindi niya iyon ipagtatanggi, dahil maaaring ganoon nga ang kinalalabasan kung sumige siya't pabayaan ang sarili.

Napabuga siya ng hangin at naipikit ang mga mata. Ngunit, may parte sa kanyang hindi masaya. Tila may kulang na kailangan niyang punan at kailangang hanapin para sa sarili. Nakakapagod nang ganung sitwasyon. Para siyang nasa isang sulok at hindi na makaalis doon.

Ano ba ang dapat niyang gawin? Ang patuloy na umiwas at lumayo?

Bago pa siya mabaliw ay napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa silid ng anak. Bawat hakbang ay mabibigat at animo'y humahambing iyon sa kanyang kalagayan.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon