Chapter 27

938 28 37
                                    

Chapter 27

Dedicated to @SofieLomocso

NAPAHILAMOS SIYA SA MUKHA nang masuri niya kinabukasan ang kanyang Lexus na kotse. Sirang-sira na talaga iyon at nagkayupi-yupi na. Sira na ang hood n'on pati na rin ang header at nose panels. Lahat ng mirrors ay na dali rin at nagkabungi-bungi na. Ang fenders at headlights ay wala na sa ayos at tabingi na.

May mga tuyong dugo na rin ang grilles ng kanyang kotse. Napabuga siya ng hangin ng silipin niya ang gulong n'on at mapagtantong flat na iyon. Lalong sumakit ang ulo niya nang ultimo bumper ng kotse niya'y basag na at konting galaw na lang niyon ay maalis na.

Lihim siyang napamura dahil sa nangyari sa kanya. Kinakarma na ba talaga siya? Ano pa ang susunod na mangyayaring kamalasan sa buhay niya?

"Malas!" gigil na sinipa niya ang hood ng kotse ngunit napaaray siya dahil nanakit ang binti niya, "Hmmfft!"

Bumuga siya ng hangin at pumasok ng bahay. Pagbukas palang niya ng main door ay agad na sumalubong sa kanya ang mabahong amoy ng bahay. Muntik na siyang masuka sa masamang amoy niyon. Kailangan na talaga niyang kumuha ng katulong upang maglinis doon.

Tiniis niya ang mabahong amoy hanggang sa maka-akyat siya sa kanyang silid at magpalit. Muli siyang bumaba dahil may kailangan siyang gawin ngayun at hindi puwedeng ipagpaliban. Kahit masakit ang katawan niya'y pilit siyang kumikilos upang maisagawa ang dapat gawin.

Nang makalabas ng bahay ay agad na pumara siya ng taxi upang lumulan. Ilang sandali lamang ay nakarating na siya sa flower shop at mabilis na umibis.

"Good morning, sir," nakangiting bati ng isang sales lady nang pumasok siya sa shop.

Tumango lamang siya sa mga ito at mabilis na nagtungo siya sa mga bulaklak. Bumili siya ng isang bungkos ng pulang rosas at isang bungkos ng dilaw na tulips. Nanalangin siyang sana ay tanggapin iyon ni Eleven.

"Thank you, sir," malawak ang ngiti ng babaeng nasa counter nang abutin nito ang bayad niya.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayun. Tila siya idinuduyan sa alapaap sa isiping tatanggapin iyon ni Eleven. Ngunit may parte sa pagkatao niyang baka mauwi lang sa wala ang ginawa niya.

Baby sana tanggapin mo ito...
Kinakabahang ani sa isip.

Muli siyang pumara ng taxi at muling sumakay. Sinabi niya ang address na dapat puntahan at hindi nagtagal ay nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Wave. Binigay niya sa mamang driver ang bayad rito at umalis.

Ilang beses siyang bumuntong-hininga dahil tinatablan na siya ngayun ng kaba. Dagli siyang lumapit sa gate at malalakas na kumatok. Sa lakas ng kanyang katok ay sigurado siyang may makakapansin sa kanya.
Hindi nga siya nagkamali nang pagbuksan siya ni Angel.

Salubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya at sa hawak niyang mga bulaklak.

"Sean, anong ginagawa mo rito? Umalis ka na bago ka pa makita ni sir Wave at ni Eleven." Bungad nito sa kanya at ni hindi manlang hinintay na magsalita siya.

Umasim ang mukha niya nang banggitin nito si Wave. "Angel, gusto ko lang makausap si Eleven."

Umiling ito hudyat na ayaw siya nitong papasukin. Muli sana siyang magsasalita nang saraduhan na muli siya nito ng gate. Kinalabug niya ang gate dahilan upang lumikha iyon ng mas malakas na ingay.

"What's your problem?" galit na bungad ni Wave sa kanya.

Hindi siya agad nakapagsalita nang makita niyang karga nito ang kanyang anak. Muling umahon ang init ng kanyang ulo dahil sa nakita.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon