Chapter 8

952 69 54
                                    

Chapter 8

NAKAUPO si Sean sa pinakahuling baitang ng hagdan sa ibaba at abala siya sa pakikipag-usap sa mag- coordinate ng gown ni Zexhain.

"Thank you, yes sasabihin ko pa kay Zexhain," habang sinasabi ang mga katagang iyon sa kabilang linya ay siya namang napatingin siya sa pagbukas ng pintuan nang iluwa niyon si Eleven sa bukana kung saan papasok sa loob ng kanilang bahay.

"Hello sir? Still there?" usisa ng kausap niya sa phone.

Na pukaw ni Eleven ang kanyang konsentrasyon at hindi na niya nagawa pang kausapin pa ang nasa kabilang linya. Hanggang sa marinig niyang naputol na ang tawag. Natuon ng husto ang kanyang pansin kay El na tinapunan siya nito ng malawak na ngiti sa labi.

Nitong mga nakalipas na mga araw ay lagi niyang napupuna ang paglalambing nito sa kanya. Hindi na rin ito nagaalaska o nakikipagtaasan ng boses sa kanya at labis niya iyong ipinagtaka. Kahit alam niyang hindi naging mabuti ang huli nila noong pag-uusap tungkol sa damdamin nito sa kanya.

Isa pa hindi lingid sa kaalaman ni El ay napapansin rin niya ang araw-araw na get up nito sa kanilang bahay. Kung dati ay maluluwang na t-shirt or blouse at pajamas lamang ang karaniwang sinusuot nito. Ngunit, hindi niya mawari kung bakit biglang naiba ang style nito.

Tulad nito ngayun na halos paiksi-paiksi ang sinusuot nitong short everytime na makikita niya ito. Aware siya sa ganoong sexy short ng babae "pekpek short" ang tawag sa suot nito ngayun. Makinis ang balat nito at wala siyang maipipintas kung kinis lang din ang paguusapan. Long legged ito na lalong nagpaganda sa hubog ng katawan nito.

In addition, bagay na bagay naman kay Eleven ang short nito na pinaresan pa nito ng sexing sando. Kaya lumitaw ang kaputian nito at ganda ng katawan. Kung ibang babae lamang siguro ang makikita niyang ganoon ang itsura ay baka masagwaan pa siya dahil hindi kaaya-aya.

"What do you want to eat?" bigla ay tanong nito ng makalapit sa kanya. "It's almost breakfast time."

Napanganga naman siya hindi lamang dahil sa tanong nito kundi nasa tapat rin niya mismo ang makinis at mahiwaga nitong hita!

Sunud-sunod ang ginawa niyang paglunok dahil sa mainit na temperaturang nabuhay sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung sinasadya ba talaga ni Eleven ang biglang paglapit nito at hayaang halos makita na niya ang singit nito sa sobrang lapit.

Napaangat siya ng tingin sa mukha nito dahil nakaupo siya at ito naman ay nakatayo.

"A-nything," nalilitong sagot niya rito.

Tumangu-tango ito saka bahagyang yumuko at paraan upang hindi sinasadyang makita naman niya ang malulusog na dibdib nito!

Shit!

"I remember, 'Di ba gusto mo ng ulam na masabaw?" ngiting muling tanong nito sa kanya.

Hindi siya agad nakasagot rito dahil ganoon na lamang ang init na lumukob sa kanyang mukha dahil sa tanong nito.

"Juicy, 'yung halos pagbukas mo palang ay nangangatas na. Diba gusto mo 'yun Sean?" habang binibitawan nito ang mga salitang iyon ay sinabayan pa nito ng pangangagat labi.

Shit! Damn those red lips!

Gustong mapamura ng mga oras na iyon si Sean dahil affected siya sa presensiya ni Eleven. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya ngunit nagagawa nitong lituhin ang kanyang isipan sa simpleng titig lamang nito.

Isa pa na green-minded rin siya sa sinabi nitong 'pagbukas mo palang ay nangangatas na'.

"Yeah, so anong lulutuin mo?" he suddenly asked nang makarekover na siya rito.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now