Chapter 10 (Seduce him part 2)

1.2K 66 39
                                    

Chapter 10

Please watch the short video of Noah Centineo as SEAN STRANFOLD. And try to imagine na si Eleven yung girl diyan. Sa taas po click or play it thank you.

WARNING!: CONTAINS MATURED SCENES🔞

"GET UP, Sean," ngiting marahang niyugyug ni Eleven ang balikat ni Sean sa kanyang tabi.

"Ahmm," umungol lamang ito at lalong nagsumiksik sa kanyang leeg.

Hindi niya mapigilang hindi kiligin ng mga oras na iyon. May relief siyang naramdaman at hindi maipaliwanag ang sayang lumukob sa buo niyang pagkatao. Ang saya-saya niya dahil katabi niya ngayun ang taong mahal niya. Idagdag pang may nangyari sakanila kanina lamang.

Wala siyang pinagsisihan ng ibigay niya rito ang sarili at buong pusong tinanggap ang lahat ng naganap sakanila ng binata.

"Sean, come on gising na," wika niya habang hinahaplos ang buhok nito.

Wala siyang nakuhang tugon mula rito at hindi na lamang niya ito muling kinausap, bagkus ay hinayaan niyang  matulog muna ito sa kanyang mga bisig. Nakikiliti siya sa pagbuga nito ng hininga sa kanyang leeg kaya marahan niyang inilayo ang sarili rito ngunit, nagulat siya nang hapitin siya nito sa baywang at muling isubsub nito ang mukha at sa pagkakataong iyon ay sa kanyang mga naglalakihang dibdib!

Naman! Sean wag ka namang ganyan baka mamaya muli nanaman akong magbukaka sa iyo eh!
Nangagat labing bulong niya sa kanyang isip.

Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito sa pagitan ng kanyang dibdib at hindi napigilan ni Eleven ang pagtutubig ng kanyang mata dahil sa sitwasyon niya. Kung tutuusin ay napakahirap ng kanyang ginagawa at halos lunukin na niya ang pride para magawa ang nais mangyari.

Umiibig siya sa taong alam niyang alanganing maging sa kanya samakatuwid, nakatali ito sa iba at siya lamang ang lihim na nagmamahal rito. Mababaliw siya kung hindi mapapasakanya si Sean at may takot din siyang naramdaman sa katotohanang baka pagkatapos ng mga plano niya, ay hindi na niya alam kung mapapasakanya ba talaga ang binata.

Isang bagay na lubos niyang ipinagaalala pagdating ng panahon. Paano na lang kapag "sex toy", "sex slave", or "fuck body" na lamang siya nito? Hindi niya iyon matatanggap kung nagkataon! Hindi siya papayag na maging ganoon siya rito.

Oo, baliw na baliw na siya sa binata dahil halos akitin na niya ito para makuha niya ang atensiyon nito ngunit wala pa iyong bahid ng katotohanan kung pagkatapos ba ng nangyari sakanila ay ihihinto na ba nito ang kasal ng mga ito? Mamahalin na ba siya ng binata? Maraming katanungan ang naglilipana sa kanyang isip habang pinagmamasdam ang mukha nito.

Di niya napigilang haplusin ang makinis na mukha nito sa pagkakasubsub sa dibdib niya. Para itong isang bata na ayaw lumayo sa pagkakayapos sa ina. Lihim siyang natawa dahil doon at napalingon siya sa may side table kung saan naroon ang orasan nito.

Nanlaki ang kanyang mata nang mapagtantong 6:35 na ng hapon. Mag quarter to 7 na rin pala kaya niyugyug niyang muli ang balikat ng binata upang magising ito.

"Sean..huy...Sean gumising ka na mag-gagabi na," ilang beses na niyugyug niya ito.

Ngunit ayaw nitong imulat ang mata kaya napilitan siyang bumangon na lang, at siyang nalilis naman ang kumot na tumatakip sa kanyang mga dibdib. Akmang kukunin niya ang kumot at muling itatakip sa nakalantad niyang mayayamang dibdib nang may pumigil sa kanyang kamay. Napalingon siya kay Sean na mainit ang pagkakatitig sa kanyang mukha pababa sa kanyang harap.

Namula siya at para uli siyang nasinding posporo dahil sa klase ng tingin ng binata sa kanya. Her body was in flames. Lalo na nang kunin ng binata ang kanyang isang kamay at saglit na dinampian nito iyon ng isang halik bago nito binitawan. Ang puso niya bigla ay hindi na niya kontrolado, patuloy iyon sa malakas na pagkabog.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin