Chapter 25

1K 29 49
                                    

Chapter 25

ISANG PAYAT NA babae ang kasalukuyang nakatayo ngayun sa pintuan. Walang suot na kahit anong sapin sa paa. Impis na rin ang mga pisngi nito at halatang tila hindi na kumakain sa sobrang kapayatan. Lubog na rin ang mga mata nito at bahagya na ring namumula iyon. Galit na galit ang anyo ng babaeng nakatingin ngayun kay Eleven.

Ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Zexhain. Halos hindi na niya ito makilala sa laki nang ipinagbago nito. Matagal na niyang hindi nakausap ito't nakita, kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkagitla. Nanlalaki pa rin ang mga matang nakatuon ang pansin rito. Hindi siya makapaniwala na si Zexhain na ngayun ang kanyang nakikita.

God..anong nangyari sa kanya?
'Di niya napigilang itanong sa sarili.

Nakatutok sa kanyang gawi ang kalibre 45 na hawak nito. Takot na takot naman silang baka sa isang pitik lang ng hinlalaki nito'y pumutok na iyon. Kinakabahang humigpit ang yakap niya sa kanyang anak na ngayu'y patuloy pa rin sa pag-iyak. Nang lingunin niya ang mga kasama'y parehong-pareho ang reaksiyon ng mga ito, nang makita si Zexhain sa kanilang harapan.

"Z-xhain. Pakiusap ibaba mo ang baril," mahinang aniya ni Eleven rito.

Sa gulat nila'y lalong isinentro nito ang baril sa kanya at kalabitin iyon. Umalingaw-ngaw sa loob ng bahay ang malakas na tunog niyon. Tumama ang bala nito sa sofa malapit lamang sa kanyang inuupuan. Nanginig ang kanyang kalamnan at umahon ang kanyang takot at pangamba.

"God!" umiiyak nang sigaw ni Joy at napayuko.

"Diyos ko patawarin..." ganoon rin si Angel na hindi na malaman kung saan tatago.

May hindi tama sa iginagalaw ni Zexhain ngayun. Kahit natatakot siya'y pilit niyang pinakalma ang sarili, ngunit lalo lamang siyang dinalaw ng kaba nang muling iumang nito ang baril at sa pagkakataong iyon ay kay Thunder na karga-karga niya.

"Huwag mong sasaktan ang bata," maagap na babala ni Wave rito at nilapitan siya.

Umatungal ng iyak si Thunder at hirap siyang pahintuin ito. Naningkit ang namumulang mata ni Zexhain sa kanyang anak. Ngumisi ito na ikinahindig ng kanyang balahibo sa katawan.

"I will kill you! Pati ang batang 'yan Eleven!" galit ngunit tumatawang sigaw nito sa kanya.

"Zexhain...I'm begging you..huwag ang anak ko," naiiyak na wika rito. "Ibaba mo na ang baril--no!"

Tuluyan na siyang napaiyak at manginig ang kanyang kalamnan nang muling kalabitin nito ang gatilyo at umilangaw-ngaw ulit ang tunog niyon.

"Urg! Shit!" nalukot ang mukha ni Wave nang tamaan ito sa kaliwang braso na ginamit panangga upang hindi masaktan ang kanyang anak.

"What the hell is going on?!" takot na takot na tanong ni Joy.

Lalong lumakas ang iyak nina Joy at Angel sa kanilang tabi. Ramdam na niya ang takot na umahon sa kanyang pagkatao. Napaluha siya nang makita ang sariwang dugo sa braso ni Wave na malayang dumadaloy doon. Nanlamig ang kanyang katawan nang muling kakalabitin muli ni Zexhain ang baril nito.

"No! Please no!" Sigaw niya at ipinikit na ang mga mata at mahigpit na niyakap ang anak.

Ngunit napamulat siya nang wala silang marinig na putok ng baril. Napapaluhang nilingon nila si Zexhain na ngayu'y tumatawa na.

Bigla naman itong umiyak, "He loves you!" tapos muli itong tumawa. "Ginamit niya lang ako, Eleven! Ginawa ko ang lahat upang mahalin niya ulit ako pero hindi niya magawa!"

Natulala siya sa sinabi nito ngunit hindi na matapos-tapos ang pagdaloy ng kanyang luha.

"I think...my kalibre 45 is not enough," nakangiting ani nito habang nakatingin ng mataman sa baril na hawak nito. "Dapat shotgun."

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now