Chapter 34 (WAKAS)

1.6K 31 10
                                    


Chapter 34

Finale

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU...You belong to the zoo. With the monkey and the donkey...and the big kangaroo!" pumapalakpak pang kanta ni Joy sa kanyang anak. "Hello, baby. Ang pogi naman ng inaanak ko!"

Nanlalaki naman ang mata ng kanyang anak. "Animal po ako, ninang?" itinuro pa ni Thunder ang sariling mukha gamit ang maliliit na daliri.

"What? No, baby." Agad na depensa naman ni Joy sa bata.

Event kasi ngayon ni Thunder, birthday party nito. four years old na ang kanyang anak. Iisipin niyang parang kailan lang noong ipinanganak niya ito. Ang bilis talaga ng panahon.

"Ano ba namang kinakanta mo sa anak ko, Joy?" asik niya rito.

Kaagad na tinaasan siya nito ng kilay, "Why? Is there something wrong? Maganda naman, ah."

"Hoy! Hindi animal 'yang anak ko. Tsaka wala tayo sa zoo. Ikaw talaga loko ka!" natatawang napapailing-iling siya sa kaibigan.

"Mommy, where's daddy?"

Doon lamang siya natahimik nang hilain ni Thunder ang laylayan ng kanyang bestida. Binuhat muna niya ito bago tinugon ang tanong nito.

"Parating na siya anak." Ngiting hinagkan pa niya ito sa pisngi.

Tumango-tango naman ito na tila nakakaintindi.

Hanggang sa makarinig sila ng malakas na ugong ng paparating na sasakyan. Agad na napasilay ang kanyang ngiti nang mapagtantong ang kanyang asawa pala iyon. Bumaba ito sa sasakyan at doon niya napansing kasama pala nito si Dwight.

"Daddy! Daddy!" tuwang-tuwa si Thunder nang ibaba niya ito at tumatakbong lumapit sa ama nito.

Napakagat labi naman siya, kasabay ang pag-iinit ng pisngi, nang bago kargahin ni Sean ang anak nila'y kumindat pa ito sa kanya. Ang simple lamang ng ginawa nito ngunit ganoon na kalakas ang charisma nito sa kanya. Ang lakas lakas ng appeal nito.

Hindi pa rin kumukupas ang kakisigan nito. Ang gwapo pa rin nito kahit saang sulok ng mukha ng asawa. Lahat dito perpekto para sa kanya. Nagpapasalamat siyang hindi ito sumuko sa kanya, noong mga panahong hirap na hirap na siya sa pag-ibig rito. Hindi rin siya pinabayaan ng Diyos.

"O, ayan na pala ang mga bisita." Maya-maya'y untag ni Joy sa kanyang tabi.

Napapangiting lumingon siya sa gate kung saan papasok ang mga ninang at ninong ng kanyang anak. Mga kaibigan at kakilala. Mga ka-trabaho at malapit na kapit bahay. Pati na rin ang mga bata na kasing edad lang din ni Thunder.

Kaya't mabilis siyang sumunod doon upang pormal na makipag-kamay. Nagpapasalamat sa pagpayag ng mga itong dumalo sa birthday party ng kanilang anak. Lubos niya iyong ikinatutuwa. Giniya niya ang mga ito kung saan ang venue.

"Baby."

Hindi pa man niya nalilingap ang asawa'y tinatayuan na siya ng balahibo sa katawan. Wala siyang ideya kung bakit kapag malapit ito sa kanya ay tila kinikilabutan siya lagi. Hindi naman siya takot, bagkus nasasabik na lagi niya itong nakikita.

"Baby, look at me." Muli niyang narinig ang boses nito sa kanyang likuran.

Mabilis pa sa alas-cuatro na binalingan niya ito at sumilay ang kanyang ngiti, nang makaharap na niya ito. Karga nito ang kanilang anak sa bisig at mataman siyang pinakatitigan. Tumatambol ng husto ang kanyang puso sa kilig.

"What is it, baby?" 'di niya naiwasang kagatin ang ibabang labi.

Ngunit, hindi tumugon ang kanyang asawa at malaya nitong tinitingnan ang pangangagat labi niya. Napalunok siya nang umangat ang tingin nito sa kanyang mga mata. Sigurado siyang pulang-pula na ang mukha niya.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu