Chapter 5

1K 78 73
                                    

Chapter 5

NAPABANGON si El ng tumunog ang alarm clock niya sa side table. Pupungas pungas na napatayo siya at medyo nahihilo pa gawa ng biglaang pagtayo. Pilit na inaninag niya ang alarm clock at pasado alas otso na ng umaga.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa C.R para makapaghilamos at toothbrush. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay bumaba si El para makapag kape at magmuni-muni. Susulitin niya ang natitira pang oras para makapag relax muna bago umarangkada uli sa trabaho.

Exactly Ten O'clock in the morning will be her new schedule for this month. Si Eleven at Joy ay same sa oras ng trabaho kaya kahit magpakalate sila ng gising ay okay lang.

Nagtungo siya sa kusina kung saan ipinatong niya sa dining table ang kanyang cellphone upang makapag timpla ng coffee. Araw-araw siyang umiinom ng kape sa umaga. At nakasanayan na niya iyong gawin. Coffee lover kase siya at napakahirap ng tanggalin sa kanya ang klase ng nakasanayang iyon ang pagka-kape.

Mag-isa lamang siya ng mga oras na iyon sa kusina. Wala din siyang nakitang hugasin na baso sa lababo. Halatang wala pang nagtutungo roon. Sa palagay niya ay tulog pa ang mga kasama sa bahay.

Naglagay siya ng kaunting gatas, kape at asukal sa mug. Tinantiya lamang niya ang lasa ng kanyang kape dahil hindi siya mahilig sa matamis. Gamit ang thermos ay binuhusan niya ng mainit na tubig ang mug. Hinalo niya ang kape saka muling bumalik sa dining table saka umupo.

Kasalukuyan siyang nagka-kape habang nag-facebook nang makarinig siya ng yabag ng mga paa palapit sa kusina kung saan siya naroroon. Hindi na siya nag-abala pang magtaas ng mukha dahil kilala na niya kung sino ang lumapit sa kinaroroonan niya.

It was Sean. Yes him, but after what happened between them ng mga nakaraang buwan hanggang ngayun ay hindi pa sila nag-uusap. Wala siyang interes na kausapin ang binata hangga't wala pa siya sa mood.

Alam naman niyang malaki ang inis nito sa kanya dahil sa pag-gasgas niya sa kotse nito. Aminado siya sa pagkakamali ngunit, natamaan ang ego niya nung time na 'yun at idagdag pa ang katotohanang hindi niya matanggap na naging boss na nila si Zexhain sa company na pinapasukan niya.

Wala naman siyang ibang choice kundi ang tanggapin ang katotohanan sa company at sa katauhan ni Zexhain.

Ilang sandali lamang ay muling dumaan si Sean sa kanyang tabi papuntang sala. Napabuga siya ng hangin at muli nalang humigop ng kape. Pareho silang hindi nagkikibuan pagkatapos ng pangyayari.

Parang hangin lang sila sa isa't-isa kung magkakasalubungan man. Halos maubos na ni Eleven ang kape kaya napag desisyunan niyang magdilig na lamang ng halaman sa labas ng bahay tutal naman ay mamaya pa ang pasok niya.

Naglakad siya patungo sa salas. Alanganing lumingon siya sa binatang nakaupo sa sofa at titig na titig sa kanya habang hawak nito ang puting mug at kasalukuyang umiinom ng kape. Halos hindi manlang kumukurap ang mata ni Sean habang nakatingin sa kanya.

Tinaasan niya lang ito ng isang kilay saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang simpleng pagtitig nito sa kanya. Kinuha niya ang host saka binuksan ang foset. Agad na itinutok niya ang host sa mga halaman sa labas ng bahay para diligan.

Marami-rami din kasi ang mga tanim na halaman ng kanyang ina kaya host ang gamit nila sa pagdidilig.

Naglalakad siya habang pinapasadahan ng tubig ang bawat halamang nadadaanan nang may marinig siyang malakas na busina sa labas ng gate. Napangunot-noo siya dahil wala naman silang inaasahang bisita ngayun. Familiar din sa kanya ang magarang kotse sa labas ng gate kaso hindi niya maalala kung kailan niya iyon nakita.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now