Chapter 21

866 21 53
                                    

Chapter 21

Dedicated to @hey12345xxx

WARNING!

KINABUKASAN nagising si Eleven sa tunog ng doorbell. Sa namumungay pa niyang mata ay binunot lamang siya sa kama. Maingat siyang bumangon at kinapa ang kama sapagkat, wala doon ang kanyang asawa. Simula ng tawagan niya ito kahapon, ni hindi pa iyon umuuwi sa tahanan nila. Pero umasa siyang uuwi ito subalit hindi nangyari.

Muling tumunog ang doorbell kaya umayos siya bago nagtungo sa ibaba.

Dinalaw siya ng kaba nang mapagbuksan ang taong kanina pa pumipindot sa doorbell ng pintuan nila. Ang asawa niyang walang kahit na anong expression ang makikita sa mukha. Tuwid ang tingin nito sa kanya at ni hindi manlang kumukurap.

"S-ean...where...have you been?" alanganing aniya rito at sinalubong ang sasabihin nito.

Imbes na tumugon sa tanong niya'y pabalibag nitong isinara ang pintuan. Dagli siyang napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Napapiksi siya nang magsalita na ito at tumaas ng bahagya ang timbre ng boses nito.

"Kinukwestyon mo na ako?"

Saglit siyang napipi, "H-indi ka kasi umuwi kagabi. Tapos sabi mo sa'kin nauna ka na naka-"

"So, you're watching me now, Eleven?" nagtagis ang bagang nito.

Hindi siya agad nakatugon dahil sa umahong kaba sa dibdib. Napaigtad na lamang siya nang hagipin nito ang kanang braso niya at pabiglang hinila siya palapit rito. Na-miss niya ang asawa kahit isang gabi pa lamang silang hindi magkasamang natulog.

"S-ean...nasasaktan ako," wika niya dahil mahigpit ang hawak nito sa braso niya na tila babaon na ang kuko nito.

Ngumiti ito ng pilit at tumawa ng labas sa ilong, "You aren't happy to see me, baby?"

"Yeah...of course I am." Totoo iyon at walang halong biro. Masaya siya lagi kapag nakikita niya ito.

Napangiwi siya dahil ramdam na niya ang sakit sa brasong hawak nito. Pinalagpas niya kahapon ang pagsisinungaling nito sa kanya, dahil mahal na mahal niya ang asawa. Iniyakan lamang niya iyon.

"Baby, nasasaktan ako." Matamang sabi rito habang pilit na binabawi ang braso.

Bahagyang naitaas nito ang kilay, "Really?"

Gumalaw ang kanyang bibig. Nagbukas sara iyon ngunit walang boses na lumabas. Amoy na amoy rin niya ang alak sa hininga ng asawa. Natuon din ang paningin niya sa gilid ng labi nitong may bahid na lipstick, kulay pink iyon kaya hindi agad mahahalata. Parang may matulis na bagay na pilit bumabaon sa kanyang dibdib habang iniisip na maaring may kahalikang iba ang asawa.

"Let go of me," malungkot na pinakatitigan ang asawa.

'Di na ito nagsalita pa o nag-usisa pa sa kanya. Patulak siya nitong binitawan kaya nanlaki ang mata niya sa ginawa ni Sean. Iba ang ikinikilos ng kanyang asawa at tila wala itong pakialam sa kanya. Hanggang ngayun ay hindi pa niya nasasabi ritong nagdadalang-tao siya dahil sa kaugaliang ipinapakita nito sa kanya.

Nagmartsa ito palayo sa kanya, ngunit saglit na natigil ito sa paglalakad sa hagdan nang lingunin siya.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis? May pasok ka 'di ba?" tanong nito.

Napalunok siya at matamang nakatingin dito. Paano ba niya sasabihin rito na pansamantalang huminto na muna siya sa trabaho?

"Ano...I won't go to work today."

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now