Chapter 11

1K 52 33
                                    

Chapter 11

KINABUKASAN, maagang nakapag-ayos si Eleven para sa biyahe nila. Mabilis lamang siyang nag-apply ng light make up sa mukha. Hindi na niya kailangang maglagay ng maraming kolorote sa mukha dahil hindi iyon babagay sa kanya.

Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin bago napagpasyahang bumaba na dala ang kanyang bag. Inihanda niya ang matamis na ngiti sa labi habang pababa ng hagdan na kung saan nasa sala na ang kanyang mga kasama. Ngunit si Zexhain lamang ang wala roon.

"O, ayan na pala si Eleven. Si Zexhain na lamang ang hihintayin natin," anang ng kanyang ina.

Tsss.. Akala ko ba maaga siya darating? Paimportante talaga ang bruhang yun.
Sabi sa isip.

Nalingunan niya si Joy na halos hindi na maipinta ang lumarawan sa mukha nito. Hindi niya matanto kung inis ba iyon o galit ang umahon sa mukha ng kaibigan. Nilapitan niya ito at kinalabit.

"Anything wrong? Parang isang bakol 'yang mukha mo. Ang pangit mo," ngiting biro niya rito.

Tinaasan niya ito ng isang kilay ng ingusan lang siya nito.

Ay ang sungit!

"Problem?" usisa niya rito.

Namaywang ito sa harap niya at kitang-kita sa mukha nito ang inis. "Buwisit ka Eleven. 'Yan ba 'yung Dwight na sinasabi mo sa akin na mabait? Tangina! Papatayin ko 'yan," sabay turo nito kay Dwight na kasalukuyang nakaupo sa sofa kasama si Sean.

Ha?! Papatayin si Dwight?! Ano daw?

Ngayun lamang nito nakita si Dwight. Kaya paanong may galit ngayun si Joy kay Dwight? May hindi ba siya alam?

"Sandali nga Joy. Ngayun mo lang siya nakita at nakilala bakit ka nagkakaganyan?" takang tanong niya rito.

"Sarap basagin ng pagmumukha niya eh! Kagigil siya!" saka nito hinarap at sinitsitan si Dwight na siyang napalingon naman sakanila. "Hoy! Mukhang kangkong!"

"What?! Kangkong? I'm not kangkong," kunot-noo na sigaw naman ng binata kay Joy.

"You! Ang kapal talaga ng face mong kangkong ka! Sarap mo patayin," sa galit ng kaibigan niya ay dinuro pa nito si Dwight. "Tignan mo itong ginawa mo sa akin!"

Tumawa lamang ng mapakla si Dwight. "It's not my fault! Ikaw itong nakaharang kanina sa daan."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa na nagbabangayan. Mukhang hindi ata maganda ang pagtatagpo ng dalawa.

"Aba, gusto mong igas-gas ko rin 'yang nguso mo sa semento para maramdaman mo rin 'yung sakit ha?!" lumapit na si Joy sa harap ni Dwight at hindi na pinansin ng kaibigan ang mga kasama nilang nakatingin lamang sa mga ito. "Sumasagot ka pa."

"Sinisisi mo ako sa nangyari sa'yo? Wow, para sabihin ko sa'yo na nakaharang ka kase sa daraanan ko," umangat na rin ang tingin ni Dwight rito.

Nagulat sila nang kuwelyuhan ni Joy si Dwight na bahagya ring nagulat sa kinauupuan nito.

"Ah ganun pala ah. Baka gusto mong hampasin kita ng halo blocks sa mukha?!" galit na hinila ito ni Joy na halos mag-pantay na ang mukha ng dalawa. "Dumudugo na ang tuhod ko dahil sa kawalanghiyaan mo! Look what you did to me! Sinong matinong lalaki ang sasagasaan ang babaeng naglalakad lang ha?!"

Sinagasaan? Ehh??

Saka niya lang napagtanto at napansin ang namumula at gas-gas na tuhod ni Joy. Hindi niya agad napansin iyon kanina. Kaya pala badmood ito ng madatnan niya kanina dahil hindi maganda ang pagtatagpo ng dalawa.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon