Chapter 15 (Boracay IV)

905 23 19
                                    


A/N: Guys, sorry kasi ngayun lang ulit ako nakapag update ng chapter. Babawi na po ako ngayun. Pasensiya na po sa mga grammatical errors. Please enjoy!

Chapter 15

MALAYO ang tinatanaw ni Eleven waring wala sa realidad ang kanyang atensiyon. Mag-isang nakaupo lamang siya sa gilid ng dalampasigan kung saan sa parteng hindi matao.
Napapikit siya nang maramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat na nagmumula sa karagatan. Ang sarap ng hatid ng simoy ng hangin na tila siya idinuduyan sa alapaap.

Alas-quatro na ng hapon ngunit nanatili pa rin siya sa dalampasigan. Hindi siya nagpasama kaninang magtungo siya doon at nais lamang niyang mapag-isa. Hindi na niya inabala pang tawagin si Joy o kahit na sino man sa kanilang mga kasama.

Nanatiling naka-bikini pa rin siya at kapag naisipan niyang maligo ay susulong na lamang ang gagawin niya. Kaninang tanghali ay hindi siya sumamang mag surfing, snorkeling, at swimming. Ewan ba niya ngunit tinamad siya kanina. Puno pa rin kasi ng mga katanungan ang kanyang isip. Hindi pa rin mapalis sa kanyang kaisipan ang mga 'di inaasahang
pangyayari.

Nasa puntong napakasaya niya dahil natupad niya ang gusto niyang mangyari sakanila ni Sean. Ang akitin ito at may mangyari sakanila na kalaunan ay natupad naman. Isang napakagandang senyales n'on na mapapasakanya na nga ang binata. Lalo't biglaan siyang sinabihan ni Sean na dapat siya ang pakasalan at hindi si Zexhain.

Kahit na sino ay matutuwa dahil doon. Sobrang saya n'on para sakanya. Ngunit 'di ba sabi nga ng iba kapag sumubro ang saya may kalakip iyong lungkot.

"Hi!"

Biglaan siyang napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Wave. Papalapit ito sa gawi niya at mag-isa lamang nito. Naka-board shorts lamang ito at walang pang-itaas. 'Di niya naiwasang pag-aralan ang kabuuan nito.

Ahm...kahit pala ikaw may ipagmamalaki rin.. Ngunit iba pa rin si Sean ko.
Lihim na ani sa isip.

Tipid na ngiti lamang ang sumilay sa kanyang labi nang ngitian siya nito ng pagkaluwang-luwang.

"Would you mind if-"

"Okay lang, Maupo ka kung gusto mo." Agad na inunahan niya ito sa pagsasalita paraan upang hindi nito matapos ang pagsasalita.

Napakamot ito sa batok at lalong ngumisi sa kanya bago ito maingat na maupo sa pino at maputing buhangin. Na panaka-naka'y umaabot na ang asul at klarong tubig sa kanilang inuupuan.

Walang nagsalita sakanila. Hinayaan lamang nilang may maunang magsalita at basagin ang katahimikan. Pagkuwa'y hindi ito nakatiis at binasag ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.

"I'm sorry."

Sinsero ito at hindi mababanaag ang kabiruan o anu paman. Deretso itong nakipagtitigan sa kanya at hindi alintana sa kanya ang nangingitim sa palibot ng mata nito. Marami itong pasa sa mukha tulad ni Sean. Ngunit hindi na siya nagkomento pa sa itsura nito.

"Para saan ba ang sorry na 'yan? Noon ba or kanina lamang?" hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa rito. "Make it clear."

Masama pa rin ang loob niya rito at galit dahil sa pamamahiyang ginawa nito noon sakanya sa loob ng campus sa UP Diliman. Hindi niya makakalimutan ang malaswang pangyayari noon. Idagdag pa ang biglaan nitong pagnakaw ng halik sa kanya kaninang umaga lamang.

Nabigla ito at napayuko saka muling umangat ang tingin sa mukha niya. "I'm sorry for everything, Eleven. Really sorry. Alam kong gago ako dahil nagawa ko ang mga bagay na 'yon noon. Pero pinagsisihan ko na ang lahat-lahat."

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now