Chapter 6

962 74 69
                                    

Chapter 6

Dedicated to @yeshamylove

WARNING: Mature content🔞

BIGLANG nakaramdam ng kakaibang feelings si Sean nang mga oras na iyon. Ilang minuto  na ang lumipas pagkatapos niyang ihatid ang kasintahan niyang si Zexhain sa company ng mga ito dahil anniversary niyon ngayun.

Hindi na siya naki-attend sa party kahit pinipilit siya ni Zexhain na sumaglit doon. Umayaw siya at ang sinabi lamang niya ay ihatid na lamang ito. Kanina pa siya lakad ng lakad sa bahay nila dahil sa naramdamang kaba, ngunit hindi niya alam kung bakit at hindi niya iyon maipaliwanag.

May bumabagabag sa kanya kaya minabuti nalang niyang kunin muli ang susi ng kotse at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan at pinaandar iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero ang unang pumasok sa kanyang isipan ay sa company nila Zexhain.
Wala siyang idea kung bakit doon siya ipinunta ng kanyang kaisipan sapagkat alam niyang wala naman siyang gagawin doon.

Napabuga siya ng hangin sa sobrang kaba.

Agad na ipinarada niya ang kotse sa parking lot saka mabilis na bumaba.

Sinubukan niyang tawagan ang number ng kasintahan ngunit cannot be reach iyon. Hindi niya ito matawagan. Napakamot siya sa kanyang noo at naglakad siya palapit sa gusali. Mabilis ang lakad na tinalunton niya ang entrance ng building at pumasok doon.

Tatlo lamang ang nakita niyang tao sa first floor. Luminga siya at hinanap niya ang elevator.

"Eleven! Wait for me!" sigaw ng isang babae di kalayuan sa kanya.

Nangunot ang kanyang noo dahil natanawan niyang nagtatakbo si Eleven sa mahabang pasilyo habang nakatakip ang kamay nito sa  mukha. Habang hinahabol naman ito ng babaeng nakita niya kanina sa parking lot ng ihatid niya si Eleven kanina.

Ano naman kayang iniiyak-iyak niya?
Aniya sa isip.

"Eleven! Sandali! Tumigil ka sa pagtakbo!" muling paninigaw ng babae at halos hawak na nito ang laylayan ng itim na dress nito habang tumatakbo.

Eleven keep on running at nabahala naman siya na baka madapa at mapano ito kaya agad na sinalubong niya ito. Nabangga siya nito at mabilis ang galaw na niyakap niya ito at inalalayan. Nanatili itong nakayuko at hawak ang mukha at ganoon na lamang ang paghagulgol nito.

"Oh my God! Is this really happening?!" bulalas ng babae nang tuluyang makalapit ito.

Napaangat ang tingin niya rito saka inusisa ang ibig nitong sabihin.
"What are you talkin about?"

Nanlalaki ang mata ng babae at napahawak pa ito sa dibdib nito. Umiling-iling pa ito at halatang nagulat pagkakita sa kanya. Para itong nakakita ng multo sa itsura nito.

"Eleven!" niyug-yog ng babae ang balikat ni El na nakasandig sa kanyang malapad na dibdib habang humahagulgol ito. "El-even! Please stop crying! Sean is here!"

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niyang nanigas ang katawan ng dalaga nang umangat ang tingin nito sa kanya. Hilam na hilam sa luha ang mata nito dala ng pag-iyak. Malungkot na malungkot ang nasisilip niya sa mga bughaw na mata nito.

Hindi niya naiwasang umangat ang kanyang kamay at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi nito.  Bahagyang nakaawang ang mga labi nitong nakatingin lamang sa kanya.

"What happened? Why are you crying?" tanong niya rito habang pinapalis ang mga hibla ng buhok na kumalat sa mukha nito.

Lumunuk ito bago nagsalita. "You-"

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now