Chapter 29

813 24 61
                                    

Chapter 29

DAGLIAN NIYANG ISINUKBIT sa balikat ang prada bag. Kasabay niyon ang walang tigil na paghikbi, habang buhat-buhat ang anak paalis ng silid.
Pag-aalala at takot ang unang namayani sa kanyang pagkatao. Hindi na rin siya magkandamayaw dahil sa kabang nararamdaman.

Ganun pa rin kabilis ang kabog ng kanyang dibdib habang bumababa ng hagdan. Napahawak siya sa mahabang barandilyas upang doon kumuha ng lakas. Patuloy pa rin ang kanyang mga luha at hindi na iyon natigil.

"Eleven, sigurado ka bang pupunta ka sa bahay niya?" nag-aalalang aniya ni Angel.

"Oo, pakiusap huwag mo munang ipagsasabi kay, Wave."

Tumango ito at pinagbuksan pa siya ng pinto upang makalabas ng bahay. Tinalunton niya ang daan palabas ng gate at mabilis na naghintay ng taxing daraan.

Sinubukan niyang kontakin ang numero ni Sean, ngunit bagsak ang kanyang mga balikat nang hindi na niya ito ma contact. Nanunubig na rin ang kanyang ilong dahil sa patuloy na  hikbi. Kanina pa siya kinakabahan na baka patay na nga ito. Mabilis siyang pumara ng taxi nang matanaw niya iyon. Agad na lumulan sila ng anak at sinabi ang address ng pupuntahan.

Hindi siya mapakali sa upuan at niyakap ng mahigpit ang anak. Lalo siyang napahikbi nang isiping mawawalan na ito agad ng ama. Paano niya ipapaliwanag ang lahat sa anak kung sakaling tama nga ang kanyang kutob? Wala pa itong ka muwang-muwang sa mundo.

Tahimik itong nakayakap sa kanya at nakatingala.

Sean...please mabuhay ka naman oh...
Pikit na wika sa isip.

Agad siyang bumaba ng taxi nang makarating na siya sa tapat ng bahay ni Sean. Agad na kinabahan siya nang makitang bukas ang gate n'on. Hindi na siya nag-alinlangan pa't tinalunton ang daan papasok sa bahay nito. Bukas ang main door ng bahay at makitang magulo ang living room.

Yakap-yakap ang anak na pumasok siya't agad na hinanap si Sean. Wala ito sa living room at sa kitchen. Nakakabingi rin ang katahimikan sa loob ng bahay nito. Naglakad siya paakyat ng hagdan at sumigaw.

"Sean!" sigok na sigaw niya sa pangalan nito, "Sean!"

Ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag.

Pumunta siya sa silid nito nang makitang bukas iyon. Tumulo ng husto ang masagana niyang luha nang makitang nagkalat sa sahig ang mga dugo. Napasigaw na siya sa takot at panginginig ng katawan. Hinalughog niya ang buong silid, ngunit wala siyang katawang nadatnan doon. 

"Sean..." lumakas ang kanyang iyak nang makitang pati sa kama nito'y may bahid ng dugo

Isipin pa lamang niyang pagkatapos itong paslangin ay itinapon na lamang sa malayo ang bangkay nito. Para na siyang mamamatay kung nangyari iyon dito.

"Sean!" tawag niya rito.

Mabilis na nilisan niya ang silid nito at hinanap ang katawan nito. Ngunit wala siyang makita. Sino ang maaaring gumawa ng pagbaril? May kaaway ba ito na hindi niya alam? Tila mauubusan na siya ng luha sa patuloy na paglabas niyon. Takot na takot siyang baka wala na nga ito.

Bakit kailangan umabot pa sa ganitong pangyayari ang lahat? Bakit kailangang may mamatay?

Nanlulumong sinubukan niya uling tawagan ang number nito. Subalit cannot be reach na iyon. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa takot. Nasaan na ito? Parte ba sa buhay nilang dalawa na mauwi sa ganitong sitwasyon?

Bumaba na siya ng hagdan at nanghihinang lumabas ng bahay. Akmang maglalakad na siya sa labas nang tumunog ang kanyang cellphone. Sa pagmamadali niya'y nahulog pa niya iyon. Agad na sinagot niya ang tawag nang malamang si Joy iyon.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now