Chapter 14 (Boracay III)

898 40 25
                                    

Chapter 14

SUSME! Oh gosh! He kissed me?

Matagal ang pagkakalapat ng kanilang mga labi! Sobrang nagulat siya sa ginawa ng binata!

"You're beautiful! God I missed you so much Eleven," wika nito nang maghiwalay na ang kanilang mga labi.

Ganun pa rin kabilis ang kabog ng didbib niya dahil sa takot at gulat.
Anung ginagawa ng taong ito sa Boracay? Bakit doon pa sila nagkita?

"Why did you kissed her?!" sigaw ni Sean sa kanyang likuran.

Hindi niya napansin na nasa likuran na pala niya si Sean. At bigla-bigla na lang ito naninigaw kay Wave na kasalukuyang nakayakap pa rin sa kanya.

"Oh, is that you Sean Stranfold?" taas noong sumbat ni Wave kay Sean. "What's the matter? Bakit kayo na ba?"

Hinila siya ni Sean sa braso kaya napahiwalay siya sa yakap ni Wave. Kitang-kita niya ang pagtatagis ng bagang ni Sean. Nakipagtitigan at nakikipagsukatan ng masamang tingin si Sean sa binata. Pakakakitaan ng hindi magandang pagtatagpo ng mga sandaling iyon sa kanilang lahat.

"Lintik! Hindi mo sinasagot ang tanung ko kung bakit mo siya hinalikan?!" sa puntong iyon ay mariing tanong ni Sean kay Wave na nagulat naman ang huli.

Nagtaas baba ang kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sobrang dumadagundong iyon sa kanyang kaloob-looban.

"Tss... Dahil gusto ko. That's it!" ngingisi-ngising hinatak muli siya ni Wave pabalik rito.

Ngunit hindi pa nagtatagal ang pagkakahawak ni Wave sa kanya nang, suntukin ni Sean ang binata sa mukha! Hindi naman ganoon kalakas ang suntok ni Sean ngunit sapat na iyon upang matumba si Wave at mapahiga sa buhanginan. Sapo ng binata ang nasaktang panga.

"Sean, ano ba?! Bakit mo siya sinapak?!" inis na sita niya rito ng makarecover siya sa gulat.

Ngunit hindi siya binigyang pansin ni Sean dahil na kay Wave ang atensiyon nito.

"Wave," hinarap nito ang binata. "Wala akong pakialam kahit masira pa ang mukha mo. Huwag na huwag mo na uling hahawakan si Eleven," mariin at may diing pananalita ni Sean rito.

Tumawang napatayo si Wave at walang alinlangang pumantay sa tangkad ni Sean at walang takot na nakipagtitigan ito.

"Why? Natatakot ka bang mas nalalamangan na kita ngayun Sean?" sabi nito bago lumingon sa gawi niya. "Natatakot ka bang baka mabaling sa akin ang atensiyon ni Eleven ganun ba?"

Ah? Mabaling? Nasisiraan na ba siya ng bait?

Si Wave ang matalik na kaibigan noon ni Sean noong kolehiyo palang ito. Parehas ang mga ito ng kursong kinuha at magkaklase kaya madalas na nagkakasama. Third year college ang mga ito noon sa UP diliman sa Laguna.

Nakilala niya noon si Wave nang minsang mamasyal siya sa school ng mga ito at ipakilala sa kanya ni Sean. Mabilis na nakagaanan niya ng loob si Wave noon, dahil mabait naman ito. Hanggang sa madalas na siyang mamasyal noon sa school ng mga ito upang magkita-kita silang tatlo. At siyempre, dahil gusto niya noong magpapansin ng mga panahong iyon kay Sean.

Lagi rin niyang napapansin noon kung paano makipag-usap at makatingin sakanya si Wave. Sa puntong halos pilitin na siya nitong ligawan siya at kalimutan nalang daw niya si Sean. Nagulat at nainis siya rito noon ng dahil sa sinabi nito.

Nagalit si Wave nang sabihin niyang wala siyang pagtingin rito. Kaya minsang pinagtangkaan siya nitong halikan ngunit maagap naman na napigilan nito ni Sean kaya hindi nito naituloy ang pagtatangka noon. Ipinagpasalamat niya ng lubos ang pagdating ni Sean ng mga panahong iyon kung hindi ay baka tuluyan siyang nahagkan ni Wave.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang