Chapter 12 (Boracay I)

1K 50 36
                                    

Chapter 12

WARNING!: CONTAINS MATURED SCENES🔞

"BUT SHE  doesn't have a boyfriend, does she?" magkasalikop pa ang mga kamay ng nobya niya sa harap nito.

"I don't know," 'yun ang kusang lumabas sa bibig niya.

Umarko ang kilay ni Zexhain tulad ng inaasahan niya. Aminado siyang simula nang makilala nito si Eleven ay naging mas masungit na ang girlfriend niya. Ang hirap na rin nitong pakibagayan.

"Hindi na ako natutuwa sa babaeng 'yon. Naiinis ako!" tulad nga ng inaasahan niya ay nagpapadyak ito.

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

Naupo siya sa kanilang kama dahil naiwan silang dalawa ni Zexhain sa Aloha hotel. Halos tatlong oras na silang nagkukulong ni Zexhain sa hotel after ng bangayan nito at ni Eleven kanina.

"Sa tingin ko honey. Kailangan na nating makasal next week," seryosong aniya nito sa kanya.

Nanlaki naman ang kanyang mata dahil doon. Next month ang kasal nila at naayos na iyon, tapos bigla nitong sasabihin na next week nanaman? Bakit parang paaga ng paaga?

Kumunot ang kanyang noo. "Why the rush, Zexhain? Aren't you okay with a long engagement period?"

Nakangiting lumapit ito sa harap niya. "What for?" Zexhain asked.

Zexhain wanted to get married as soon as possible. Pero parang napakagulo naman na yata?

"Zexhain, okay na 'yung papers, eh. Masyado ng magulo kapag panibagong papers uli kapag next week pa," inis na wika niya rito.

Ngumisi lamang ito at tuluyang naupo sa kanyang kandungan. Minamasahe na rin nito ang kanyang balikat. Nagsisimula na ring maglumikot ang mga kamay nito sa kanyang katawan.

"Honey, hindi ko na kayang patagalin pa  ang engagement period natin. Natatakot ako. There were so many reasons behind what I wanted--" natigil ito sa pagsasalita nang magsalita siya.

"Zexhain. Look, nalilito na ako," salubong na salubong na ang kanyang kilay sa pagkainis sa nobya.

Ngunit lumawak lamang ang ngiti nito sa labi.

"Z-exhain!" nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong itulak pahiga sa kama paraan upang pumaibabaw ito sa kanya. Hindi niya iyon napaghandaan kaya nagpatianod siya.

"We'll live happily ever after, honey. Ayaw mo ba n'on?" pagkasabi niyon sa malambing na boses ay hinagkan siya nito sa mga labi.

Hinayaan niyang hagkan siya ng nobya. At sa sandaling pumikit siya, ang mukha ni Eleven ang pumagkit sa kanyang isip! Agad siyang napamulat at kumalas kay Zexhain.

Tuloy nakaramdam siya ng kaba.

"What's wrong honey?"

Nalilitong tinitigan niya si Zexhain. "Nothing. Tara na sa labas."

Naningkit ang mata nito sa kanyang tabi. "No! I'm not yet finish!"

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now