Chapter 2

1.5K 101 78
                                    

Chapter 2

"SEAN, anong oras tayo aalis bukas?"

"Six," maikiling sagot nito.

Napakatipid talagang magsalita at hindi pa linawin kung am ba o pm. Ang hirap talaga nitong pakibagayan.

"Am o pm? Night trip o morning trip?" ngali-ngaling bulyawan na niya ito.

Tumingin lang ito saka tumango.

Talagang inuubos nito ang pasensiya niya! Kahapon pa ito ganoon sa kanya.

"Ano nga sabi?"

"Exactly 6:00 pm and nightrip," wika nito at tinalikuran siya.

Biglang naging cold ito sa kanya nitong nakaraang araw. Ewan ba niya kung bakit biglang naging ganoon ito. Samantalang siya itong nasaktan nang malaman niyang may girlfriend na ito. Dapat siya itong nagsusungit.

Hinayaan na niya ito at baka mamaya ay hindi na niya mapigilan ang sarili at magkasagutan sila. Napakapangit talaga ng bakasyon nila dito sa Vizcaya. Walang magandang nangyari.

Ang inaasahan pamandin niya ay masosolo niya ito kahit papaano, ang makuha ang atensiyon nito ngunit nagkamali siya.

Ilusyunada lamang talaga siya. Mas magandang sabihing umaasa siya sa presensiya nito.

Napabuntong hininga siya at lumabas na lang ng kanilang bahay para magpahangin. Umupo siya sa mahabang bangko saka nag munimuni.

Sobrang mahangin sa labas at napakasarap sa pakiramdam bawat dampi niyon sa kanyang balat. Parang nawawala ang kanyang stress.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka siya nag take ng picture. Kahit ilang beses niyang pakatitigan ang mga larawan niya ay lagi pa rin siyang namamangha dala ng maganda at sa nakakaaliw niyang mata.

Dahil na rin sa matang iyon ay maraming mga lalaki na rin ang nagtangkang ligawan siya. Ngunit hindi niya tipo ang mga iyon dahil mataas ang standard niya. Isang lalaki lamang ang kauna-unahang pumasa sa standard na iyon walang iba kundi si Sean.

Sa isiping iyon ay nanlumo siya dahil alam niya sa sariling wala itong damdamin sa kanya. Siya lamang itong umaasa at umiibig rito ng lihim. Ipinagtataka lamang niya kung bakit ni hindi manlang nito napapansin ang mala diyamanteng ganda niya.

Hindi naman siya panget. Sexy naman siya at maganda ang alindog niya.

Tumayo siya at naglakad lakad.

Hanggang sa makita niya si Sean na nakatayo malapit sa puno ng mangga. May kausap ito sa cellphone. Naging masigla ang mukha nito at nahihimigan niya ang tawa sa boses nito. Napabusangot siya dahil hindi siya ang dahilan ng pagiging masaya nito.

Tatanggapin na lamang ba niya ang katotohanang wala siyang pag-asa rito?

Dahan-dahan niya itong nilapitan.

Napuna agad siya nito kaya ibinaba nito ang cellphone at ibinulsa iyon.

"I love this place, peaceful and relaxing," bigla ay sabi nito.

"Yeah, Tama ka napakaganda nga rito. Not polluted gaya ng sa Manila," mabilis na sabi niya.

"Ahm... El, bakit wala ka pang boyfriend?"

Nagulat naman siya sa klase ng tanong nito. Hindi niya aakalaing napuna nito iyon.

"Nothing, siguro hindi pa ako binibigyan ni kupido."

Nangunot naman ang noon nito. "You believe? Hindi ka na babata Eleven. Dapat sa ganitong edad ay may boyfriend ka na."

Bakit naman bigla nagkaroon ito ng concern sa kanya? Siya nga hindi nababahala kahit wala pa siyang boyfriend.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora