Chapter 4

1.1K 92 73
                                    

Chapter 4

"I CAN'T believed this!" ngitngit na padabog niya sa mesa.

Lumapit naman ng husto si Joy sa kanyang desk. "Totoo lahat ng sinasabi ko sa iyo Eleven, Si Zexhain ang magiging boss na natin starting today."

"Grrr..Why? Sa dinami-dami ng magiging anak ni Mr. Harold bakit si Zexhain pa?" gigil na tanong sa kaharap.

Kahit ni minsan ay hindi sumagi sa isip ni Eleven na isang anak ni Mr. Harold Martinez si Zexhain Martinez. At hindi rin niya napagtanto na pareho ang surname ng dalawa.

Napakatanga niya talaga kung bakit ngayun niya lang iyon napagtanto na maaaring anak pala ni Mr. Harold si Zexhain.

"Eleven, wala na tayung magagawa. Alam kong malaki ang galit at inis mo sa Zexhain na iyon but we need to accept the reality."

Napabuntung hininga siya. "God! Eh ano pa nga bang magagawa ko Joy? Accept the reality na 'yang bruha na iyan ang magiging boss natin."

Inis niyang naihilamos ang mga palad sa mukha. Nakatingin lamang siya kay Joy na nakatingin lang din sa kanya. Alam kase nitong kinaiinisan niya si Zexhain Martinez simula nang malaman niyang ito ang girlfriend ni Sean.

Lagi niyang ikinukuwento rito ang babae simula ng makauwi sila ni Sean sa Manila galing ng Vizcaya. Kaya aware itong si Joy na malaki ang inis niya kay Zexhain kahit na hindi nila ito nakikita.

Ngunit ngayun ay bigla nilang malalaman na ito pala ay anak ni Harold Martinez! Magiging boss pa nila. Nakaramdam tuloy siya ng pagkairita sa lahat ng bagay. 'Yung feeling na nababadmood ka na.

"Eleven, what if starting today eh lagi na siyang susunduin ni Sean after work?" deretsang tanong nito at lalong inilapit nito ang upuan upang makalapit lamang sa kanya ng husto.

Napaisip siya sa sinabi ni Joy. Parang hindi niya iyon matatanggap sa sarili na susunduin ng binata si Zexhain.

At siya? Sino namang susundo sa kanya, kung sakaling mangyari ang hinala ni Joy sa mangyayari?

Nganga ka Eleven!
Bulong ng kanyang isip.

"Ahmp! Edi sunduin siya ni Sean! Wala akong pake! Kahit harap-harapan pa niyang ipakita sa akin na inaalalayan siya ni Sean na papasok sa kotse blah blah blah blah....tsk!" ikinuyom pa niya ang mga kamay sa sobrang inis.

Tumawa naman si Joy sa naging reason niya. "Kunwari ka pa, alam kong nasasaktan ka girl. Nagseselos ka."

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Alam na pala nitong nasasaktan siya at nagseselos eh pinapamukha pa!

"Baka gusto mo ng suntok sa mukha Joy? Ngayung mainit ang ulo ko'y tatalsik ka sa lakas ng banat ko sa'yo."

Nagkunwari itong natakot at napa atras. Bumalik ito sa desk nito at nagpakawala ng mahinang tawa. "Ikaw naman El. Hindi ka na mabiro."

"Ngayung buwisit na buwisit ako Joy naku! Hindi ako magdadalawang isip na bugbuggin ka," nakataas pa ang isang kilay na sita niya rito.

"Sorry na. Ang init ng ulo mo lola," saka ito alanganing ngumiti.

Inirapan niya lang ito at pinagpatuloy na lamang ang ginagawang pagsisiayos sa mga dokumeto ng naturang company. Makapal iyon at kailangan na niyang tapusin. Nilingon niya si Joy na naging abala na rin sa pagtipa sa keyboard at tsine-check nito ang total sales ng company.

Pareho silang empleyado ni Joy sa pinapasukan nilang company.

Patapos na siya sa mga dokumento nang makarinig sila ng marahang pagkatok ng pinto. Lahat ng empleyado sa room na iyon ay parehong napahinto sa ginagawa at nakatutuk ang atensiyon sa bungad ng pintuan, kung saan pumasok sina Zexhain at si Mr. Harold Martinez.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now