Chapter 31

1K 27 52
                                    

Chapter 31

"DON'T WORRY about it. Everything will be fine, Eleven."

Napaangat ng husto kay Sean ang kanyang tingin. Pinilit niyang kumalma, pero gan'on pa rin ang kanyang nararamdaman. Nalulungkot pa rin siya sa pag-alis nina Wave at Angel patungong America. Actually, kanina pang umaga nakaalis ang mga ito, at nakapag-paalam na rin sa kanya. Pero hindi mapalis sa kanyang makaramdam ng lungkot.

Naupo siya sa sofa at hinayaang lamunin siya ng kalungkutan. Sapagkat, hindi maalis sa kanyang mag-isip ng malalim dahil sa sobrang kahihiyan. Siyempre pa'y umasa ng husto si Wave sa kanya, ngunit hindi niya naman nasuklian ang damdamin nito. Isang pagkakamaling nagawa niya ang hayaang ligawan siya nito't paasahin ito.

Sapagkat, itinama lamang niya ang nararamdaman. Kinalma niya ang sarili at pinilit aluin ang puso na higit na nasasaktan sa pangyayari.

"Baby," mahinang sambit ni Sean.

Lumapit ito sa kanya upang siya'y yakapin. Sa ginawa nito'y nakaramdam naman siya ng kaginhawaan.

"Baby, where do you want to go?" tanong nito nang pakawalan na siya.

Saglit siyang nag-isip tsaka sumagot rito, "Ano...wala akong balak mamasyal ngayon, eh."

Sa unang pagkakataon ay ngumuso si Sean. Malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Ibang-iba ang awra nito ngayon kumpara kahapon. Mas lumitaw ang ka-gwapuhan nito at kakisigan. Lalaking-lalaki ang dating n'on para sakanya.

"Why? Gusto pa naman sana kitang ipasyal. Gusto kong bumawi sa'yo, baby." Busangot pa rin na aniya nito.

Lihim siyang napangiti sa tinuran nito. Actually, kagabi pa sila ni Thunder lumipat sa bahay ni Sean. Sobrang tuwa ang namutawi sa mukha ni Sean nang makarating sila sa pamamahay nito. Walang mapagsidlan din ang sayang naramdaman niya nang muli siyang makabalik sa piling nito.

Ngunit, tama nga ba ang desisyon niyang balikan ito?

"Next time nalang kasi-"

Naputol ang kanyang sasabihin dahil inunahan na siya nito.

"Okay, I won't force you. Iniisip mo pa rin ba si Wave?" biglang sumeryoso ang mukha nito.

Saglit siyang napipi sa sinabi nito. Aminado siyang isang dahilan iyon kaya siya nagkakaganoon. Hindi niya iyon maiwasan lalo na't naging sandigan niya si Wave noong panahong down na down siya. Noong panahong sariwang-sariwa pa ang sugat niya sa dibdib. Maraming nagawa si Wave para sa kanilang mag-ina. Kaya't ikinalulungkot niya ang pag-alis nito.

Biruin nga din kitang loko ka.

Tumango siya rito, "Iniisip ko nga na dapat siya ang pinili ko."

"What?!"

Bigla itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Kunut na kunut ang noo nitong pinagmasdan siya. Hindi siya nagpahalatang nagbibiro lamang siya.

"Mas magaling siya sa kama kaysa sa'yo." Matamang sabi niya at tsaka mabilis na tumayo.

Nanlaki ng husto ang mga mata nito at pumorma ang bibig nito sa hindi maipaliwanag na posisyon. Pigil na pigil niya ang tawang iniwan ito.

"Seriously?!" rinig pa niyang pahabol na tanong nito.

Nagmamadali naman siyang nagtungo sa kitchen upang iwan na ito sa living room. Nakaramdam na rin kasi siya ng pagkauhaw kaya't binuksan niya ang refrigerator. Yumukod siya't aktong dadamputin na sana ang bottle, nang may humila sa kanyang baywang.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now