Chapter 7

962 74 63
                                    

Chapter 7

GUSTONG bumulaga ang mata ni Eleven nang madatnan niya si Sean na nagpu-push up sa gilid ng kanilang bahay. Malapit lamang ito sa kotse nito at sa palagay niya ay kakatapos lang nitong washingan ang sasakyan nito dahil basa pa iyon. Naka short  lamang ito at kitang-kita niya kung paanong naggagalawan ang mga muscles nito sa katawan.

"24, 25, 26 huh! 27," bilang nito.

Napapalunok siya sa ginagawa nito at hindi maalis ang tingin niya sa katawan nito. Ewan ba niya pero gustong gusto niya ang napapanood. Feel niya kase ay siya itong binubuhat nito every push up na ginagawa ni Sean.

Nagulat siya ng sumigaw ito sa kahuli-huliang bilang nito.

"29, 30! Hooh!" tumayo ito saka nito pinagpagan ang mga kamay nito at lumingon ito sa gawi niya na ikinataranta niya. "Hi."

"Good morning!" binigyan niya ito ng matamis na ngiti. "Breakfast is ready."

Ngumisi ito ng dahan-dahan sa kanya at parang naging slow motion iyon sa kanya.

Yiiehh!! Sarap ng ngiti ni baby!
Napakagat labing bulong niya sa isipan.

"Anong uulamin ko El?" may ngisi sa labing tinitigan siya nito habang nagpupunas ito ng towel sa katawan nito.

Nanlaki naman ang mata niya sa tanong nito. Kakaiba ang epekto ng tanong nitong iyon sa kanya. Para siyang naiihi ng mga oras na iyon sa pagmamasid niya, kung paano nito punusan ang mga pawis na naglandas sa abs nito.

Minsan pa siyang lumunok saka ito sinagot.

"Bacon and fried chicken," mabilis na sagot niya sa tanong nito.

"I like it, but wala bang ulam na masabaw?" muli itong ngumisi at sa pagkakataong iyon ay lumapit ito ng bahagya sa kanya.

Awtomatikong napaatras naman siya sa paglapit nito. Hindi pa man ito nakakalapit ng husto sa kanya ay para na siyang napapaso. Aaminin ni El na simula ng may mangyaring eksena sa kanila sa loob ng kotse nito noong nakaraang araw ay naging iba na rin ang pakikitungo nito sa kanya.

'Yung naging sweet ito everytime na magkakasama sila nitong araw. Hindi niya alam kung epekto ba iyon ng pagpapakalasing nila noon. Wala siyang pagsisisi sa ginawa nila noong nakaraang araw. Para ngang iyon pa ang naging dahilan upang magkalapit sila. At syempre, aminado din siyang naging agresibo siya noon.

"Anong masabaw ka diyan?!" tinarayan niya ito.

Tumawa lamang ito. "Nagsusungit ka nanaman eh nagtatanong lang naman ako."

Umingos siya. "Ano ba namang klaseng tanong 'yan Sean?! Ka bastos eh!"

Namaywang ito sa harap niya saka ito nagpakawala ng malakas na tawa. "Eleven, walang bastos sa tanong ko. Unless ikaw ang green minded," pagkasabi niyon ay lumapit na ito ng husto sa kanya at hinawakan nito ang makabilaan niyang balikat saka ito bumulong sa kanya. "Or maybe may alam ka pang masabaw?"

Namula naman siya sa binulong nito kaya tinulak niya ito palayo. "Bastos ka! Anong sabaw-sabaw ang sinasabi mo diyan? Pervert!"

Iningusan niya ito bago padabog na tumalikod. Akmang maglalakad na siya palayo nang marinig pa niya ang huli nitong sinabi.

"Nice butt."

Ay! Anong nakain ng isang ito at biglang bumastos?!

Naningkit ang matang nilingon niya ito. "Isang salita mo pa diyan Sean at hahambalusin na talaga kita diyan! Bastos ka ha. Pati puwet ko pinagiinteresan mo ah! Huh!"

NOTHING SACRED BABY(Complete)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz