Chapter 30

979 22 17
                                    

(Can We Kiss Forever) by Kina.

Pwede niyo pong i-download or pakinggan ang music na 'yan para sa kabanatang ito.

Chapter 30

WARNING!: CONTAINS MATURED SCENES🔞 SUPER SPG!

ANG PAGMAMAHAL ang pinakamasarap na lason sa buhay ng tao. Aminado siyang iyon nga ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya ipagkakailang hanggang bunbunan at talampakan niya'y naapektuhan niyon. Aminin man niya o hindi'y may nakakapa pa rin siyang pagmamahal para kay Sean.

Sapagkat, sa t'wing makikita niya ito ang puso niya'y nagkukunwari. Pilit niyang binabakuran ang pagitan nila, nang sa ganoon ay hindi iyon lumala.
'Pag nagkataong hinayaan niya iyon ay hindi na niya mababawi pa.

Napapikit siya ng mariin upang labanan ang tensiyon sa katawan, nang palapit na siya sa bahay ni Sean. Nakauwi na rin kasi ito galing ng hospital noong isang araw pa. Simula ng malaman niyang nagkamalay na ito'y hindi na niya naulit pang binantayan o bisitahin ito sa hospital.

Pagkababa niya ng taxi ay agad na napakunut-noo siya.

Kaninong sasakyan kaya 'to? May bisita kaya siya?
Wika ng bahagi ng kanyang isip.

Isang puting mamahaling sasakyan ang agad na bumungad sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad nang mapansing nakaharang iyon sa tapat ng gate. Kung hindi siya nagkakamali isang Mansory Vivere Bugatti Veyron ang naturang sasakyan. Isang bagong edition iyon.

Kanino naman sana ang sasakyan na iyon?

Paniguradong may panauhin nga si Sean sa bahay nito. Nag-alangan siyang tumuloy sa bahay nito ngunit, kailangan niya itong makausap ora mismo. Saglit siyang bumuga ng malalim na hininga at taas noong pumasok ng gate.

You can do it...Eleven!

Pinigilan niya ang panginginig ng kamay at kumatok siya sa main door.

"Come in," boses nito ang nagtawag sa kanya.

Hinawakan niya ang door knob at binuksan iyon. Dagli siyang pumasok at taas noong tinalunton ang daan patungo sa living room. Kailangan niyang maging matapang at matatag sa harap nito. Hindi siya kumurap nang makita niya itong nakaupo sa sofa. Pagtataka ang unang lumarawan sa mukha nito nang makita siya. Hindi nito marahil inaasahan ang pagpunta niya sa bahay nito.

Tila naman huminto ang daigdig niya nang mapagmasdan ang maaliwalas na mukha ni Sean. Wala itong pang-itaas at kitang-kita niya ang puting bandages sa dibdib nito. Hindi siya puwedeng madala sa gwapong mukha nito. Pinigilan niya ang matagal na pagtitig rito at tumikhim siya. Nilinga niya ang paligid ngunit wala siyang makitang kahit ni isang bisita nito.

Noon niya lang din napansin ang bagong pintura sa loob ng bahay nito. Blue danube at buxton blue ang pinag-combine niyon, paraan upang mas lalong gumanda ang loob ng bahay sa kulay n'on. Particular na sa living room na bumagay 'yon sa itim nitong sofa.

"E-leven," lumapad ang ngiti nito at tumayo sa pagkakaupo.

Nilapitan siya nito at kumikislap ang mga mata nitong pinakatitigan siya. Itinaas nito ang kanang kamay upang haplusin ang kanyang mukha. Subalit, maagap na umatras siya bago pa man nito iyon magawa. Gumuhit sa labi nito ang mapait na ngiti dahil sa ginawa niya.

Hindi na siya pwede pang magtagal doon. Kailangan na niyang sabihin rito ang plano nilang pag-alis patungong America kasama sina Wave at Angel. Bukas na ang flight nila kaya kailangan na niya itong kausapin. Upang ipagbigay alam din dito na doon na sila mamalagi. Bilang hindi pangba-bastos na rin dito ay dapat na nito iyong malaman.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now