Chapter 24

954 28 36
                                    

Chapter 24

"PWEDE KO bang hawakan?" alanganing tanong ni Wave sa kanya.

Kasalukuyan silang nakaupo sa couch sa living room. Tumango siya rito at hinayaang hawakan nito ang malaki na niyang tiyan. Magna-nine months na rin ang kanyang ipinagbubuntis. Madalas na rin ang pag-galaw n'on.

"Hindi ba mabigat 'yan?" salubong ang kilay nito habang patuloy na hinahaplos ang kanyang tiyan.

Napahagikgik siya rito, "Of course naman mabigat. Ikaw kaya mabuntis at magbuhat ng bola?"

Umirap ito at itinuon ang pansin sa tiyan niya. "Hi baby, dapat kamukha mo ako paglabas mo, ah." Nakangiting aniya nito.

Tinaasan niya ito ng kilay dahil sa tinuran nito. "What are you saying?"

Tumingin ito sa kanya at kumindat, "Para gwapo at mabait na katulad ko."

Tinampal niya ito sa balikat. "Si Sean ang may anak dito. Ang kapal mo."

Sa sinabi niyang iyon ay dumilim ang anyo ng mukha nito. "That bastard? Bakit? Hindi ba ako puwedeng mag- assume kahit konti?"

Napahagikgik siya nang nagtatampong tumayo ito at tinalikuran siya. Tumayo naman siya upang habulin ito at mangunyapit siya sa matipunong braso nito.

Ang bilis magtampo!

"Wave naman binibiro lang kita," sinundot niya ang pisngi nito.

Lalo siyang natawa nang irapan lang siya nito at ngumuso. Ang cute nitong tignan kapag ginagawa nito iyon.

"Lagi na lang siya ang binabanggit mo," tumingin ito sa kanya na nakabusangot. "Nandito naman ako lagi para sa'yo."

Hindi siya agad nakapagsalita kaya tumingkayad siya at pinatakan ng halik ang pisngi nito.

"Sorry na. Bati na tayo?" ngiti niya rito.

Namula naman ang mukha nito sa ginawa niya. "Ahmp!"

"Isa pa?" biro niya rito at aktong hahalikan uli ito sa pisngi.

Ngunit niyakap lamang siya nito dahilan upang makulong siya sa mga bisig nito. Ang bilis ng kabog ng puso nito at rinig na rinig niya iyon. Bilang ganti'y yumakap din siya rito. Hindi nila alam kung gaano na sila katagal sa posisyong iyon.

"Sir! May tawag po kayo kay Attorney Justin," rinig nilang tawag ni Angel dito.

Agad silang naghiwalay ni Wave sa pagkakayakap at agad na hinagkan nito ang kanyang noo. May ngiti sa labing tinalikuran na siya nito.

Si Wave ang nag-aalaga sa kanya at katuwang nito si Angel. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya. Naro'ong araw-araw siya nitong dadalhan ng pagkain sa kanyang silid. Sa t'wing magpapa-check-up siya'y kasama rin niya ito. Kinakantahan din nito ang baby niya pagkagaling nito sa trabaho. Lahat ng dapat na gawin ni Sean ay ginagawa lahat ngayun ni Wave.

Pursigido rin si Wave na akuhing anak ang ipinagbubuntis niya. Ngunit hindi siya nagbitaw ng salita ng mga oras na iyon. Gulung-gulo pa kasi siya at nauunawaan naman iyon ng binata.

Ka-buwanan na rin niya ngayung december. Lahat ay handa na kung sakaling manganak na siya. Lahat sila'y nanabik nang masilayan ang kanyang anak. Lalo na't isang lalaki ito ayon na rin sa resulta ng ultrasound niya.

"Get ready, pupuntahan natin ngayun ang abogado," salubong ni Wave sa kanya nang makabalik na ito.

Agad naman siyang kinabahan sa ibinungad nito sa kanya, "Why? 'di ba naibigay na natin ang application for annulment sa abogado?"

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now