Chapter 26

1K 26 57
                                    

Chapter 26

Dedicated to @TristanDavid06

"LOOK AT YOURSELF!" nakatakip ang ilong na wika ni Dwight nang madatnan siya nito sa living room ng kanyang bahay.

Umangat ang tingin niya rito, "Dwight, gusto kong mapag-isa."

Alam niyang mabaho na siya at wala pa siyang paligo ilang araw na ang nakakalipas. Ultimo bahay niya'y hindi na maipaliwanag ang amoy dahil apat na buwan ng hindi nalilinisan. Inaamag na rin ang mga pagkain sa kitchen nang madatnan niya kanina. Tambak din ang maraming hugasin sa lababo na nangingitim na sa tubig. Maraming bote ng alak ang basta na lamang nakakalat sa loob ng kanyang bahay.

Hindi na nga niya maalala kung kailan ang huli niyang pag-sepilyo at pagpapagupit ng buhok. Tinubuan na din ng makakapal na balbas ang kanyang panga at humaba na iyon ng tuluyan.

"What's happened?" saglit nitong inalis ang pagkakatakip ng ilong. "Sean, ayusin mo nga ang sarili mo bro."

Mapait na ngumiti siya rito at kinuha sa maliit na lamesa ang beer at tinungga iyon, "Dwight, basag na basag na ako. Sobrang sakit bro."

Biglang naunawaan naman nito ang kanyang ipinunto, "But-"

"Besides, I can take care of myself," putol niya sa sasabihin nito.

"Sean, ayusin mo naman ang buhay mo," pilit ang ngiting ibinigay ng kaibigan sa kanya.

"Yeah, I will." Tumango siya rito, "Let's just talk again some other time, Dwight."

Napapailing na pinakatitigan muna siya nito bago nito napagpasyahang iwan na siya.

Muli niyang tinungga ang beer at dumaloy sa lalamunan ang sobrang pait niyon. Ilang araw na ding puro alcohol ang laman ng kanyang tiyan at wala na siyang matinong pagkain. Nawalan na siya ng appetite at nangangayat na din siya.

Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang gulat sa mukha ni Eleven nang mapagmasdan siya nito sa poste kanina. Kahit na siya'y hindi niya lubos maisip na makikita siya nito at mapapansin. Dalawang buwan na niyang lihim na sinusubaybayan ang kanyang mag-ina at kanina lamang siya nito nakita. Nang magtama ang kanilang mga mata kanina'y parang gusto na niya itong takbuhin at pupugin ng halik.

Ang sama lamang ng loob niya dahil mukhang nagkakamabutihan na ito at si Wave. Ilang beses na rin niyang nakikitang hinahagkan ni Wave ang kamay ni Eleven. Pati na rin ang pagtawag nito ng 'babe' kay Eleven. Wala siyang ideya kung anung relasyon meron ang dalawa. Basta iisa lamang ang impact niyon sa kanya. Sobrang sakit na nakikita mo ang taong mahal mong masaya na sa iba at hindi na siya ang dahilan niyon.

Kinalikot niya ang cellphone at dagliang nagmensahe kay Eleven. Dinadalaw siya ng kaba sa bawat letrang kanyang tinitipa. Hanggang sa makalimang text na siya dito ay wala pa rin siyang natatanggap na reply. Ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang patayin din nito ang cellphone nang subukan niyang tawagan.

Hindi na ba talaga siya mahal ni Eleven? Sumuko na ba ito ng tuluyan sa kanya? Sa bagay kahit na sino naman ang makaranas sa kagaguhang ginawa niya rito ay sobrang magagalit at masasaktan. Hindi niya alam na aabot sa puntong 'yon ang galit niya rito. Isa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabuo ulit ang pamilya niya.

Tumunog ang kanyang cellphone at sa pagmamadali niya'y natapon ang laman ng beer.

"Shit!" mura niya at agad na itinayo ang bote.

Si Dwight ang tumatawag sa kanya kaya agad niya iyong sinagot. "What is it Dwight? I told you-"

"God...Sean. Ang laki ng utang mo dito sa bar ko...what's wrong with you? Almost 100,500!" naninitang bulyaw nito sa kabilang linya.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now