Chapter 18

768 25 60
                                    

Chapter 18

Dedicated to @MikaBeauty

NAPAGOD siya sa pagliligpit at pag-aayos ng mga gamit nila ni Sean sa sarili nilang bahay. Halos abutin siya ng maghapon sa dami ng aayusin. Nanakit ang katawan niya sa pagod, kaya naman hindi niya namalayang nakatulugan na niya iyon.

"Wake up, dinner is ready."

"3 minutes....pa," nakapikit na sagot niya.

"Come on, we still have something important to talk about-" hindi nito natapos ang sasabihin.

"Ahmm...bukas na lang. I'm so tired talaga."

"Get up," sa galit na tono nito. "May lakad tayo."

Naiinis na napamulat siya ng mata dahil sa inis rito. Kita na ngang pagod siya'y hindi nalang ipagpabukas ang lakad.

"Bukas nalang ang lakad, Sean. I need to rest."

Bumuntong hininga ito. "Kailangan nating pumunta dahil may kakausapin tayo. Our marriage is important right?"

"About marriage ba ang pag-uusapan? Bakit hindi mo kasi agad sinabi," gulat na napabangon siya.

Napailing-iling ito dahil sa tinuran niya. Aba'y pasensiya na ito dahil hindi naman niya alam na tungkol pala sa kasal nila ang pag-uusapan. Kung agad lang sana nitong sinabi iyon, 'di sana'y kanina pa siya nakapag-ayos.

"Faster at kakain na tayo," sabi nito at agad na umalis sa silid nila.

Mabilis naman siyang nag-ayos ng sarili. Simple lang ang gayak niya dahil baka magalit ang soon to be husband niya. Mahirap na baka iwan siya nito sa altar kapag nagkataon.

Pagkarating sa dining room, agad na nalanghap niya ang mabangong ulam na niluto nito.  Hotdog lang naman at bacon. Lihim siyang napangiti kahit 'yun lamang ang iniluto nito. Simple lang talaga at pang breakfast pa. Ayaw na niyang pansinin pa ang niluto nito, at baka mag-usok nanaman ang butas ng ilong nito.

"After sa lakad natin. Sa mall ang sunod natin."

Nabitin sa ere ang kutsarang hawak niya dahil sa sinabi nito, "Why? Tomorrow morning na lang. Pagod talaga ako."

"Anong gagamitin natin dito sa bahay kung bukas pa? Wala tayong soap, shampoo and so on," deretsang aniya nito at sumubo ng pagkain.

Umingos siya dahil wala siyang magagawa. Napabuga siya ng hangin dahil pagod na pagod talaga ang pakiramdam niya. Boss na boss ang dating ng mapapangasawa niya. Parang siya itong magiging slave nito sa pamamahay.

"Okay," nasabi na lamang niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi na ito umimik pa kaya mabilis na lamang niyang inubos ang pagkain na nakahain sa plate niya. Ilang sandali lamang at tapos na sila. Bago sila umalis nag toothbrush muna sila para naman presentable at fresh naman ang dating nila sa makakausap.

"Where's the key?"

Binigay niya rito ang susi na kinuha pa niya sa loob ng sling bag niya. Pagkaraan ng ilang minuto ay lulan na sila ng kotse nito paalis ng bahay nila. Isang restaurant ang tinungo nila pagkuwa'y mabilis na umibis. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto ng sasakyan kaya agad na napangiti siya rito.

"Salamat."

Tumango ito at inilagay ang kanang kamay nito sa baywang niya. "Let's go. Mrs. Bernadeth is waiting."

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now