Chapter 19

800 30 42
                                    

Chapter 19

Dedicated to @JobelleDerano

WARNING!: CONTAINS MATURED SCENES🔞 SUPER SPG! GRAPHIC SCENES!

"BRUHA! Congratulations!" masayang hinalikan siya sa pisngi ng kaibigan pagkalabas niya sa kotse.

Ito ang maid of honor niya at si Dwight naman ang best man.

"Thank you, Joy!" naiiyak na wika rito.

"Huwag ka ngang umiyak baka masira ang make-up mo! Ang pretty mo talaga bes!"

Pinigilan niyang umiyak dahil baka masira nga ang make-up niya. Araw ngayun ng kasal niya at labis siyang natutuwa. Binati siya ng mga kapamilya niya lalo na ang mama at step-dad niya.

"Masaya ako para sa'yo anak."
Yumakap sa kanya ang ina na hindi na mapalis ang ngiti sa labi.

"Congratulation anak. Sige na halika na at magsisimula na ang seremonya," ngiting inilahad ng dad niya ang kaliwang braso sa kanya.

May sayang lumukob sa pagkatao niya nang, makakapit na siya sa braso ng ama papasok sa pintuan ng simbahan. Kinakabahan man ngunit, nangingibabaw ang saya sa kanya. Hindi talaga siya makapaniwala na siya'y ikakasal na sa taong pinakamamahal niya sa buhay. Bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimulang tumugtug ang mga musicians sa loob. Napakagara ng kanilang kasal ni Sean. Isang minus-1 at acoustic version na secret love song ang agad na pumailang-lang sa loob ng simbahan. Maingat na naglakad sila ng kanilang ama sa kahabaan ng red carpet sa loob.

Tumayo naman ang mga bisita at sinalubong sila ng mga matatamis na ngiti. Magkatabi sina Sean at Dwight, at hindi naman papahuli si Dwight na gwapong gwapo rin sa suot nito. Napalingon siya kay Sean. Lalong kumabog ang kanyang puso habang papalapit sa kinaroroonan ng binata. Napaka-gwapo nito sa suot nitong itim na amerikana. 'Di niya maiwasang mapangiti dahil halos mapaawang ang labi nito pagkakita sa kanya. Nang tuluyang makalapit dito'y inilahad na nito ang kanang kamay sa kanya. Mabilis na humawak siya doon at inilalayan siya nitong makarating sa harap ng pari.

Kumindat ito sa kanya, "You're beautiful," pinisil pa nito ang kamay niyang hawak pa rin nito.

Kinilig siya d'on. "You're hunk."

"Naughty," ani ni Sean, bago mahinang tumawa.

"Bago po simulan ang seremonya, maari ko bang malaman kung may tumututol ba sa kasal na ito?" pagkuwa'y wika ng pari sa kanilang lahat.

Kinabahan siyang bigla dahil sa sinabi ng pari. Napalunok siya't baka biglang sumulpot si Zexhain at ihinto nito ang kasal nila ni Sean. Tulad ng mga napapanood niya sa mga drama sa televisyon. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang walang magsalita.

Nagsimula na ang serimonya. Madami pang ginawa ang pari at pag-dasal bago sila nito binigyan ng sapat na atensiyon. Binasbasan sila nito, at unang kinausap nito si Sean para sa palitan ng vows kasabay ang pagsuot ng wedding ring.

Humarap sa kanya si Sean, "I, Sean Stranfold, vow to my bride, Eleven Manteros that I will love and honor her, in good times and bad times." Ang lawak ng ngiti nito ng sabihin iyon sa kanya habang isinusuot nito ang wedding ring sa palasingsingan niya."I vow to you my lady, that ever before you will yearn for attention, I will give it to you to the point of overflow. In my honor, I will provide for you without thinking twice about the sacrifices therewith. I live to make you proud; I will never bring you shame." Saglit itong lumingon sa magulang niya, "I also vow to respect my elders and be a devoted husband."

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now