Chapter 32

932 18 5
                                    

A/N: BAKIT NGAYON LANG AKO? Siyempre may nauna lang po akong ginawa. Halos 4 weeks na pala akong hindi nag-update! Kaloka ka AUTHOR. Pero gano'n pa man! Naalala ko pa ring magsulat at mag update kahit medyo natagalan. Sana enjoy niyo ang pagbabasa heheh. Alam kong nakalimutan niyo na 'yung nakaraan plot ng story and ADVICE kong basahin niyo uli!😂 Pero salamat ng marami sa mga magbabasa na aabot hanggang dito. Malapit na po mag-wakas ito.♥♡♥♡

Chapter 32

HINDI MAIKUBLI ANG sayang namahay sa kanyang kalooban.

"Baby, get up."

Inaantok pang pilit iminulat ni Eleven ang kanyang mga mata. Nakangiting mukha ni Sean ang kanyang nabungaran. Magulo ang malagong buhok nito at sadyang namumula ang mga labi. Namumungay ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.

"Satisfied with my performance?" nakakalokong ngisi ang ibinigay ni Sean sa kanya.

Kahit kabubunot pa lamang niya sa kama'y, hindi ipagkakailang nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi. Sino ba namang hindi madadala sa presensiya nito?

"Baby, tinatanong kita." Nakangiting aniya muli nito.

"You what?" patay malisyang tanong niya rito.

Awtomatikong umangat ang itaas ng labi nito at dahan-dahang pumorma sa iisang guhit. "Okay ba, baby?"

"Well, that was great, baby." Alanganing wika niya at nilabanan ang mainit na titig nito.

Lalong lumawak ang ngisi nito nang sabihin niya iyon. Patunay na masayang-masaya ang hudyo sa performance na sinasabi nito. Walang minutong hindi siya nito pinapahanga.

"El, I'm sorry," pagkuwa'y humina ang timbre ng boses nito.

"Sorry for what?"

Napapikit siya nang patakan nito ng halik ang kanyang noo bago ito bahagyang lumayo at magsalita.

"Tatlong round lang kasi ang kinaya ko kagabi," dagling ngumisi ito. "Pero, I swear na napasaya kita," kumindat pa.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nalaglag ang kanyang panga't napatanga rito.

Seryoso ba siya? Lang?

"Hey, you okay?" kunot noong tanong nito nang mapansin ang kanyang pananahimik.

"T-hank you." Taliwas iyon sa dapat niyang sasabihin.

Nanghihinayang ba ito dahil sa tatlong round lang ang kinaya nila kagabi? Diyos na nasa langit, halos manghina na nga siya sa pagod dahil sa paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Tapos kinulang pa ito?

"Thank you kasi...tinupad mo 'yung pangako mong babawi ka sa'kin," muli niyang pahayag rito.

Humalakhak ito at pagkuwa'y hinagkan siya sa labi. Saglit lang at linubayan din nito iyon.

"Damn baby...can't get enough of you. Babawi talaga ako dahil baka magtampo ka nanaman. Alam mo na, mahirap ang nabibitin at naiintindihan kita."

Uminit ng husto ang buo niyang mukha! Pati bunbunan niya'y umakyat ang init doon. Kailangan pa ba talagang ipamukha sa kanyang nabibitin siya?

Tinampal niya ito sa lantad na dibdib. "I hate you! Kailangan mo pa bang isampal sa mukha ko ang salitang 'yan?"

Naging sunud-sunod ang malalakas na tawa nito. Tila naman naging musika iyon sa kanyang pandinig. Na-miss ko 'yan. Naisaloob niya nang pagmasdan niya ito habang nagpapakawala ng tawa. Matagal na rin buhat nang huli niyang marinig ang swabeng tawa nito.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon