Chapter 22

898 25 48
                                    

Chapter 22

WARNING!: CONTAINS MATURED SCENES🔞

NAGISING SI Sean dahil sa naramdamang haplos sa kanyang mukha. Pupungas-pungas na iminulat niya ang mga mata at mabungaran ang mukha ni Eleven. Namumugto ang mga mata nito at may pasa pa sa kanang pisngi. Alam niyang dahil sa kanya kung bakit ito ganoon.

"Dinner is ready," alanganing ngiti ang sumilay sa labi nito.

Patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang mukha nito. Lungkot at hinagpis ang nasasalamin niya sa bughaw na mata nito. Luminga siya sa paligid at napagtantong madilim na pala, kung gayon ay nakatulugan niya kanina ang pag-iisip.

"Stay away from me," salubong ang kilay na sabi niya rito.

Natigil ito sa paghaplos sa kanyang mukha at awtomatiko itong umatras.

Maingat siyang bumangon sa kahabaan ng sofa at hinarap ito. Umiwas ito ng tingin sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig niya rito. Sabog din ang buhok nito at ni hindi pa nito iyon maayos. Maluwang na t-shirt ang laging suot nito at leggings na ipinagtataka niya. Hindi na niya ito nakikitang nagsusuot ng maiksing short tulad ng nakasanayan nito.

"L-alamig 'yung pagkain sa dining table," napalunok pa ito.

Tumayo siya't nilapitan ito. Dagli itong napaangat ng tingin sa kanya dahil sa mahigpit na hawak niya sa balikat nito. Yumuko siya.

"Pwede ba Eleven, kakain ako kung kailan ko gusto."

Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito. Umayos siya ng tayo at nilisan ang living room. Trunks lamang ang suot niyang nagtungo sa dining room. Napahinto siya sa paglalakad nang maramdaman niya ang asawang nakabuntot sa kanya.

"Bab- Sean, kainin mo naman 'yung niluto ko para sa'yo. Kahit 'yun nalang ang pansinin mo." Garalgal ang boses nito sa kanyang likuran.

Naikuyom niya ang kamao at hinarap ito. "You heard me right?"

Yumuko ito at muling nagsalita, "Sean, gusto ko lang naman-"

"Okay!" hinawakan niya ito sa kaliwang kamay at hilain papasok sa dining room.

Ramdam na ramdam niya ang sobrang panginginig ng kamay ng asawa. Galit na galit siya rito. Kahit na kailan hindi niya makakalimutan ang mga ginawa nito sa kanya.

"Sean..." naluluhang sambit nito sa pangalan niya.

Ngumisi siya ng pilyo na ikinatulo ng luha nito. Walang pagaalinlangang isinaboy niya sa mukha nito ang calderetang inihanda nito sa mesa para sa kanya. Napasinghap ito dahil hindi nito iyon inaasahan. Naghalo na sa luha nito ang sauce niyon.

"How about this one? Ahmm?" tumawa siya ng pagak habang ibinubuhos ang orange juice sa ulo nito. "Siguro naman hindi na 'yan masasayang..am I right?"

Mahinang hikbi ang naging sagot ni Eleven. Napahawak ito sa mukha nito at muling umiyak sa harap niya. Kung tutuusin kulang pa iyon bilang kaparusahan ng babaeng ito.

"Bakit? S-ean...ang sakit...hanggang kailan mo ako sasaktan?"  tumingin ito sa kanya.

Umahon ang galit niya nang paamuhin pa nito ang mukha sa harap niya. Hinablot niya ang damit nito sa tapat ng dibdib at hilain palapit sa kanya.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now