Chapter 20

947 23 33
                                    

Chapter 20

SAGLIT NA napahawak sa desk si Eleven nang makaramdam ng pagkahilo. Madalas na ang pananakit niyon.

"You okay?" nag-aalalang tanong ni Joy.

"Oo." She smiled back and grab a donut and a cup of coffee.

Napailing ito, "Madalas na 'yan, Eleven."

Napahigop na lang siya sa kape upang mapawi ang kanyang hilo. Ngunit hindi pa man niya nababawasan ng husto ang kape nang lalo siyang mahilo sa amoy n'on.

Geez...ano bang nangyayari sa'kin?

Ibinaba niya ang cup at inilayo sakanya.

"El, hindi mo ba gusto 'yang starbucks coffee?"

Napabusangot siya, "Hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko gusto ang amoy niyan."

Umangat ang kilay nito sa pagtataka at tsaka siya nilapitan, "I think you're pregnant."

Napatayo siya sa sinabi nito.

Buntis ako?!

"Huwag ka magulat, okay lang 'yan. May asawa ka naman."

Sinamaan niya ito ng tingin, "Iniinis mo ba ako?"

"Hindi ah!" tsaka ito ngumisi. "Baka buntis ka."

Saglit siyang natahimik at pinakiramdaman ang sarili. Madalas na nga siyang mahilo at pagkuwa'y nasusuka dahil sa mga naamoy niyang pabango. Kapag nasa bahay naman siya'y hindi niya gustong nakikita ang mukha ng asawa. Ewan ba niya naiinis siya kapag nasa paligid niya ito.

"Maybe yes?" alanganing sagot niya rito at isinubo ang donut.

Sa parte ng kanyang pagkatao'y nagagalak siya dahil magkaka-baby na sila ni Sean. First baby kung nagkataon. Matatawag na silang isang buong pamilya.

Tumabingi ang ulo nito, "Talagang yes, nakailang pasok na ang asawa mo diyan 'di ba?"

Bigla siyang nasamid sa sinabi nito!

"Araw-araw ka ba niyang pinuputukan?" ngising dagdag pa nito. "Parang fireworks ba lagi?"

Hinila niya ang hibla ng buhok nito, "Buwisit ka! Kontrolin mo nga 'yang bunganga mo!"

Inalis nito ang kamay niya sa buhok nito at bumalik sa own desk nito. Mabuti na lamang at sila lamang dalawa ang naiwan sa loob ng opisina. Break time kasi kaya lumabas ang iba nilang ka-opisina.

Tatlong buwan na silang nagtatrabaho sa canon company ni Joy at mataas din ang posisyon nila. Naging maayos din ang pagsasama nila ng asawa niya sa tatlong buwang lumipas. Wala namang pag-aaway na namagitan sakanila at masasabi niyang maayos ang kanilang relasyon.

"Will your husband pick you up?" baling nito habang ngumunguya ito ng donut.

Half day lang kasi sila ngayun kaya maaga silang makakauwi.

"Oo, tapos magpapatingin na rin ako sa OB."

Napatango ito, "Much better para malaman mo kung nagdadalang-tao ka."

Nang maubos niya ang donut, nanguha siya ng alcohol at ipahid sa kamay. Bahagya pa siyang napatakip ng ilong dahil sa amoy n'on. Hindi na talaga maganda ang reaksiyon ng kanyang katawan.

Ilang sandali pa at bumalik na ang mga ka-opisina nila. Napabuga siya ng hangin dahil sa sunud-sunod na pag spray ng mga ito ng pabango, at nagkanda halo-halo na ang amoy niyon sa loob ng office. Pasimple na lamang siyang napatakip ng ilong. Pinagpatuloy na lamang niya ang naudlot na pagtipa sa keyboard.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Where stories live. Discover now