Chapter 3

1.2K 102 74
                                    

Chapter 3

Dedicated to @yeshamylove

"SUSME Sean! Magsuot ka nga ng t-shirt at short!" galit na bulyaw niya rito ng madatnan niya ito sa kusina na naka sexy trunks lang.

Pupungas-pungas pa ito at mukhang kagigising lang.
"Later."

"Anong later?! Huwag mo nga display 'yang katawan mo dito! Susumbong kita kay mama," salubong ang kilay na aniya dito.

Kagagaling niya lang sa labas para mamalengke ng gulay at stock para sa reff nila. Pagbalik niya'y ganoon ang kanyang naabutan.

Mabilisang inilapag niya sa lababo ang mga karne, hotdogs, bacon at gulay. Saka hinarap ito.

Pipikit-pikit pa itong nakasandal sa tyles ng lababo. Pilit iminumulat ang mata nito. Pinasadahan niya ng tingin ang kabubuan nito. At siyang ikinataas ng temperatura ng kanyang katawan!

Paano'y ang gwapo nitong tignan. Ang mga abs nitong naglalakihan na litaw na litaw sa nagtitigasang tiyan nito. Napalunok siya nang matuntun ng mga mata niya ang isang pribadong parte ng katawan nito.

Nag-init ng husto ang kanyang mukha sa nakita. Namumukol sa sexy trunks nito ang alaga! Calvin Klein pa ang trunks nito! Para itong isang modelo.

Susme! Aba'y Pinagpala! Para kang isang inukit na iskultor. Sarap mo siguro?
Bulong ng kanyang isipan.

"I'm not feeling well," namamaos ang boses na sabi nito.

Napaangat ang tingin niya rito at kita niyang medyo namumula ang magkabilaang pisngi nito.

Mag aapat na araw na simula noong magbiyahe sila galing ng Vizcaya. Kahapon ay matamlay na ito at lumala iyon ngayun. Nabahala naman siya kaya nilapitan niya ito. Sinalat niya ang noo nito at ang taas ng lagnat nito!

"Ang taas ng lagnat mo!" saglit niyang iniwan ito at nagtungo sa medicine kit.

Kinuha niya doon ang thermometer at gamot.

Pagbalik niya'y sapo na nito ang ulo at napapangiwi ito dahil siguro sa sakit ng ulo.

"Kailangan mo munang magdamit Sean. Kaya mo bang maglakad?" tanong niya rito.

"Ahm."

Inalalayan niya itong maglakad. Kahit ganoon ay hindi pa rin maiwasan ni Eleven na titigan ang katawan ng binata. Ang tangkad tangkad nito at puro muscles ang katawan.

Nag-iinit ang mukha niya dahil sa pagkakalapit nila. Kung hindi lang siguro ito nilalagnat baka kanina pa niya ito pinagalitan.

Sino ba namang matinong lalaki ang naka sexy trunks na pupuntang kusina?

Nang matunton nila ang silid nito sa itaas ay agad na niyang binuksan ang pinto at inalalayang ipasok ito doon. Umupo ito sa kama paharap sa kanya at nakalapag ang magkabilaan nitong kamay sa kama. Agad na nilagay niya sa bunganga nito ang thermometer.

Hihintayin niyang matapos ang tatlong minuto. Inabala naman niya ang sarili na kumuha ng damit at jersey sa kabinet nito. Pagbalik niya'y ipinasuot niya ang mga iyon dito.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon