Prologue

443 32 76
                                    

[DON'T SKIP]

What will happen after we die? Does it end there? Is afterlife real? Is there something more? Neither of us can give a scientific nor a definite answer, because none of us died yet... or maybe someone knows already but it has to be a secret?

[Altheia Coreene's POV]

Sabi ng mga nakatatanda, ang pagpapakamatay raw ay isang kasalanan kaya naman ang mga gumagawa no'n ay napupunta sa impyerno. Ang tanong, alam ba nila ang rason ng taong 'yon kung bakit niya nagawa 'yon? Hindi naman, 'di ba?

Hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan ng taong 'yon. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang bawat pagsusubok na kanyang naranasan. Walang may alam at walang nakararamdam no'n kung 'di siya lamang.

Bakit alam ko?? Dahil isa ako sa mga taong 'yon... Isa ako sa mga taong napasuko na lamang dahil sa sakit ng aking pinagdaanan at naranasan.

Hindi isang desisyon o isa sa mga pinagpipilian ang pagsuko. Ayoko talagang sumuko! Pero paano kung sobrang sakit na talaga? 'Yung tipong 'di na kaya ng katawan mo, pati na rin ng utak mo??

Pagod na ako... Yan na lamang ang masasabi mo at pagsuko na lang ang tanging magagawa mo para guminhawa ang iyong pakiramdam.

Ako si Altheia Coreene Buenafuerte, isa sa mga taong minsang iniwan at minsang nasaktan.

Isa sa mga taong nahulog sa patibong ng pag-ibig kaya naman ayaw nang umulit.

Isa sa mga taong binawi ang sariling buhay para mawala na ang sakit.

At isa rin sa mga taong nabigyan ng pangalawang pagkakataon para alamin ang kahalagahan ng buhay.

ᜋ ᜊᜓ ᜑ ᜌ᜔

"Let's break up, Thei... I can't do this anymore," malungkot na sambit ni Bryan sa akin. Ako lang ba o meron talagang iba pang ibig sabihin ang kanyang sinabi?

"Hey... masamang biro 'yan, Bry." Kinakabahan na ako. Sabihin niya man o hindi, aware ako! For goodness' sake! Aware akong hindi ito panaginip. Unti-unti nang tumulo ang aking mga luha.

"I'm sorry, Altheia... Promises are meant to be broken but there is always a reason why people break it. Altheia, alam kong hindi ka mababaw na tao. I know you can and you will understand me." Bakas ang pagmamakaawa sa boses ni Bryan. Unti-unti na ring nagtutubig ang kanyang mga mata. Ang mga matang bumihag sa akin sa simula pa lamang.

"I am, Bry... Hindi nila ako katulad pero alam mo kung anong na-realize ko, ngayon lang?" I felt some unexplainable feelings, I never thought Bryan would give me. It stings.

Unti-unti niyang ini-angat ang kanyang tingin sa akin. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Na kahit gaano ka pala katatag... mahirap pa ring tanggapin. Kaya ko namang intindihin pero ayaw kong gawin kasi hindi lang kita kailangan, Bry!! I want you, Bry!! Gusto kita at alam mo 'yan." Umalingawngaw na ang tunog ng bawat paghikbi kong puno ng sakit, lungkot at pighati. Ang sakit... Sobrang sakit!

Tinalikuran ko na lamang ito at tumakbo palayo sa kanya. Palayo sa taong hindi ko sukat akalaing sasaktan ako ng ganito.

Buti na lamang at malapit lang ang bahay namin kaya agad akong nakauwi. Pero bubuksan ko pa lamang ang pinto...

Umalingawngaw sa apat na sulok ang malakas na sampal na nagmula sa loob.

"ANO NA NAMAN BA ANG GINAWA MO SA PERA NATIN?!?!"

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon