✔| 11 | Mortal Realm

83 15 79
                                    

Alam ko ang misyon ko
at 'yon ang alamin
ang kahalagahan ng buhay.
Hindi ko sasayangin
ang pagkakataong ito.

[Altheia Coreene's POV]

"Girl!! May performance ulit ang ConSoul sa Sunday!" Maka-tili naman ang isang 'to akala mo walang nang bukas.

Wait... Bakit may performance sila ulit? Eh, last Sunday ng bawat buwan lang sila nag-peperform? Besides, nag-perform naman sila noong last sunday ng September.

"Bakit magpe-perform sila ulit? Second week of October pa lang baka nakalimutan mo?" Bakas ang lito sa aking boses.

"Hindi mo pa ba alam, girl??" Dumoble naman ang pagtataka ko. Ano 'yung dapat kong malaman? Aish!

"Ano ba ang dapat kong malaman?" Pinaningkitan ko siya ng mata at saka naman siya lumapit sa akin. Magsasalita na sana siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Girl, mamaya na lang, ha?" paalam niya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.

For sure, si Maximus 'yan. 'Di niya ako kayang ipagpalit kahit kanino. Pero pagdating kay Maximus, ibang usapan na 'yan. Naiintindihan ko naman siya.

Pero, ano nga ba ang dapat kong malaman?

I shrugged that thought away. Tumungo na rin ako sa sarili kong kwarto. Besides, ano pang gagawin ko sa living room? Tumulala?

By the way, second week of training na namin ngayon. Katatapos lang kanina kaya it's pahinga time! Kahit 'di naman kami pagod. Stress lang utak namin!

○●○●○

"Girl! Ayaw mo ba talagang sumama? Bilis na!! Last week na lang natin dito, ayaw mo pang sulitin?" Kanina pa ako kinukulit nitong si Mika.

Tama kayo, Sunday ngayon at mamayang gabi na ang alis namin dito sa Underworld Realm. Parang gusto ko pang manatili rito kaso nakapagdesisyon na ang mga nakatataas.

"Ayaw ko," masungit kong sabi sa kanya. Nag-puppy eyes naman siya at saka ako inalog ng inalog.

"Pleaseeeeeeee!!!" Kanina pa ako naiirita sa pamimilit niya. Hay...

"Okay, fine! Please stop." Bumuntong hininga ako at saka tumungo na sa banyo. Yes! Nasa kwarto ko siya ngayon.

Naligo ako't nag-ayos. Nagsuot na lang ako ng puting hoodie at saka jogger pants. Sinuot ko rin ang favorite sneakers ko na kulay puti.

"Let's go!!!" Hindi man halata na sobrang excite niya, 'no? Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at saka kinaladkad palabas.

Parang hihiwalay na ang braso ko sa katawan ko pero okay lang. Wala naman akong nararamdaman para magreklamo pero magkamali lang ako ng tapak, paniguradong hahalikan ko ang sahig.

Unti-unti ko nang naririnig ang hiyaw at tili ng mga tao. Karating namin doon, madalas sa mga nakikita ko ay babae. Malamang! Boy band 'yan!!

Marami sa kanila ay may dalang mga banners. Buti na lamang, mataas ang entablado. Hindi matatakpan ang ConSoul sa mga hawak nila.

It's been a while since pumunta ako sa isang crowded place dahil may performance. Well, madalas akong pumunta sa mga ganyan noong kami pa ni Bry.

Bakit? Syempre! Parte rin siya ng isang banda. Hindi sila gaano kasikat dahil sa bar at minsan sa café lang sila nagpe-perform pero hindi ko maitatangging magagaling sila.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon