✔| 25 | Revelations

65 13 31
                                    

Hang in there, self.
Konting tiis na lang.
Malalagpasan din natin ito.
Tiwala lang.

[Altheia Coreene's POV]

"Oo, Altheia. Ako ang tunay na nanay mo at kapatid mo siya," saad ni Madame-or should I say Mama? I mean... Mommy?

I was caught of guard. Hindi ko ito ine-expect. Nilabas ko ang kwintas kong nasa ilalim ng blusa ko. Ibig sabihin, hindi talaga 'to galing kay Papa?

Back then, akala ko normal lang ang mga napapanaginipan ko. I never thought, they are my lost memories-or should I say buried memories?

Ilang beses ko ring napanaginipan ang mga 'yon and most of them are filled with happiness and sometimes funny. Hindi ko sukat akalaing may malaki pala silang ambag sa buhay ko.

Sa oras na ito, sabay-sabay na bumaha sa isipan ko ang mga ala-alang natago sa pinakasulok ng aking utak. Kumirot ng kaunti ang ulo ko pero 'di ko man ito pinansin.

Naluluha akong tumingin sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam na naging parte na pala sila ng buhay ko at sobra akong nadismaya sa aking sarili dahil nakalimutan ko ang mga taong may malaking parte sa buhay ko.

Naiintindihan ko naman si Maddie-or should I say, Winter, kung bakit niya nagawa sa akin 'yon. Hindi dahil ate niya ako at kailangan ko siyang intindihin kun'di dahil alam ko ang napagdaanan niya nung bata kami.

Actually, nung buhay pa si Daddy, favorite niya si Winter and that's when, ako naman ang palaging out of place. Maybe, gusto lang rin ni Mommy na maranasan ko ang mga naramdaman ni Winter, not knowing that she went overboard.

But amidst of being everyone's favorite, I always chose Winter over everything. Lahat ng binibigay sa akin ni Mommy na pairs at saka ang iba kong gamit, balak kong ibigay kay Winter pero agad siyang nilalamon ng emosyon niya. Kaya bago ko pa mabigay sa kanya ang mga 'yon, natulak niya na ako palayo.

Bata pa lang ako noon kaya may pagka-immature din ako. Kapag tinutulak ako palayo, hahayaan ko siya and then ako mismo lumalayo to give her space. Pero pagkatapos ng ilang araw, bati na ulit kami kaso I have this bad habit, makakalimutin ako.

So, in the end, nakakalimutan kong ibigay ang mga bagay na dapat, ibibigay ko kay Winter.

Humarap ako kay Mommy. Bakas sa mukha ko ang pagkalito, "Pero paano po 'yon? Paano niyo po nalaman na anak niyo rin po ako?" Pinasadahan ko ng tingin si Winter, "Sabi po kasi ni Winter, hindi niya po sinabi sa inyo ang totoo."

Bumuntong hininga siya at saka diretso akong tinitigan sa mata, "Kapag namatay ka sa tamang oras, sa huling hininga mo, maalala mo lahat ng mga ala-ala mo. Kasama na doon ang nakalimutan mo."

Magtatanong na sana ako kung bakit hindi nangyari sa akin 'yon pero na-realize kong nagpakamatay ako. Lumipat ulit ang tingin ko kay Winter nang may maalala.

"I-ibig s-sabihin, i-ikaw ang s-stalker ni Bryan n-noon?" nauutal kong tanong. Yumuko naman ito at saka dahan-dahang tumango. Unti-unting nagtubig ang mga mata ko.

"Dahil sa kanya, binalewala mo ang pinagsamahan nating dalawa? Paano na ang sinasabi mong soulmates tayo?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Lumapit siya sa akin, "Ate, sorry talaga. I know, sobrang immature kong mag-isip. Sorry sa lahat ng nagawa ko." She started crying. Pinasadahan ko ng tingin si Mommy at saka binalik kay Winter.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon