✔| 18 | Confession

73 16 65
                                    

Kung masakit
ang pinagdaanan ko
nung oras na 'yon,
mas masakit pa pala
ang napagdaanan nila.

[Altheia Coreene's POV]

"Sa ospital mo na lang ako ihatid," sabi ko kay Bryan na nagda-drive ngayon.

Napagdesisyunan kong doon na lang magpahatid para bantayan si Mama. Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang guide na binigay sa akin. Nalukot ito dahil sa mariing paghawak ni Papa kanina. Umiling na lamang ako at saka binasa. Nakikita ko naman ito dahil sa mga poste na nadadaanan namin. Gabi na kasi.

So, peanuts at raisins ang gusto niya naman talaga pero ayaw niya ngayong buntis siya. Now, I know. Sana nanigurado na ako nung una pa lang. Tinamad kasi akong magbasa at saka masyado akong naging confident.

"We're here. Just call me if you need something," sambit niya at saka ako ngitian.

"Thank you," I smiled back. Lalabas na sana siya nang pigilan ko siya, "Ok lang."

Ako na mag-isa ang lumabas para 'di na siya mahirapan. Kinawayan ko pa siya bago tuluyang pumasok ng ospital.

Pumunta ako sa 3rd floor at saka pumasok sa Room 312. Nadatnan kong nakatayo si Nanay Ludy habang may kausap sa telepono.

Sinulyapan ko naman si Mama na natutulog na. Tahimik akong umupo sa sofa at saka sinandal ang likod dito. Napapikit ako sa pagod.

"Hija, okay ka lang?" tanong sa akin ni Nanay Ludy. Binuksan ko ang aking mga mata at saka tumango.

"Kumain na po ba kayo?" tanong ko sa kanya. Iniwasan niya ang aking tingin at saka umiling. Bumakas naman ang pag-alala sa aking mukha. 8 PM na bakit 'di pa siya kumain?

"Okay lang naman po kung ako na lang ang magbabantay kay Mam—Ma'am Colleen." Muntikan ko pang mabanggit ang mama. Natigilan ako sa aking naisip. Gabi na, sino naman maghahatid sa kanya pauwi?

Pareho kaming napatingin sa pintong bumukas. Bumungad doon si Mang Mente. Still the same man, I knew. Mukha siyang masungit pero maalaga pagdating kay Nanay Ludy.

Napangiti naman ako sa aking naisip. I miss them so much!

"Hello po! Ako nga po pala si Altheia, private nurse po ni Ma'am Colleen," pakilala ko at saka inilahad ang kamay sa harapan niya.

Tinanggap niya naman ito at saka tumango. "Ako naman si Clemente Gatcheco. Ang driver at hardinero ng pamilya Buenafuerte," pakilala rin nito, "Mang Mente na lamang ang itawag mo sa akin."

Lumingon naman ako kay Nanay Ludy at saka siya ngitian bago harapin muli si Mang Mente.

"Pwede po bang ihatid niyo na pauwi si Nanay Ludy?" magalang kong tanong sa kanya. Agad naman ito tumango, "Pinagdala ko siya ng pagkain ngunit mas mabuti nga kung isasama ko na siya pauwi. Okay lang ba talaga sa iyo?"

"Okay lang po," nakangiti kong sambit. Ngitian niya naman ako pabalik.

"Maraming salamat." Inabot niya sa akin ang hawak niyang plastic bag, "Oh sige, sa iyo na lamang itong dala ko."

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon