✔| 01 | Purgatoryo

249 21 48
                                    

Hindi ko inisip
ang magiging disadvantages
dahil bulag na bulag na ako sa sakit.
I never expected that
peaceful is somewhat boring
and irritating sometimes.

[Altheia Coreene's POV]

Pagkatapos tumunog ng alarm clock ko, dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at tumayo ng walang kahirap-hirap. Sa mundong ibabaw, magrereklamo muna ako't maghihingi pa ng limang minuto para matulog ulit. Dito naman, tatayo ka lang na para bang wala lang dahil hindi mo ramdam ang bigat ng iyong katawan.

Dumiretso ako sa banyo ng aking silid at inalis na ang lahat ng saplot ng aking katawan. Ang mga gamit namin ay galing sa mundong ibabaw.

Lahat ng mga gamit na sinusunog ng Mortals ay napupunta rito sa pamamagitan ng teleporting. When it comes to food, mayroon kaming supplies. Mayroon kasing copy machine ang Purgatoryo, where in nagagaya niya ang iba't ibang bagay na mayroon ang Mortal Realm.

Ang negative side no'n, walang lasa, kulay or amoy ang nagagaya niya. That's why it looks bland and boring.

Pero kung high-tech sa Mortal Realm, sa amin naman ay supernatural. Paano ko nasabi? Meron kasing mga lumilipad na kalesa at karwahe dito. Minsan, nagta-transport naman sila ng mga tao o bagay sa pamamagitan ng pag-teleport. Basta... Gumagamit sila ng mga paraan na aakalain mong hindi totoo sa mundong ibabaw.

Binuksan ko na ang aking shower at hinayaang dumaloy sa akin ang tubig. Kakaibang tubig ang ginagamit namin dito sa Purgatoryo, hindi katulad ng sa Mortal Realm. Nung minsan, biglang nag-pop sa isip ko na baka sinunog nila ang tubig para maging compatible sa mga kaluluwa. On the other hand, imposible pala. Basta complicated!!

By the way, sabado ngayon kaya malaya kong mapapasyalan ang Purgatoryo. Magku-kwento't magpapaliwanag na rin ako patungkol sa buhay naming mga kaluluwa.

Pinunasan ko ang aking katawan, not the physical body, gamit ang isang tuwalya.

Sakto namang pagkabihis ko ay may narinig akong kumatok. Inayos ko muna ang aking buhok at lumakad papunta sa pinto.

"Tapos na akong magluto!" 'Yan ang bungad sa akin ni Mika, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Hay... Imbes na 'Good Morning' ang bati, 'yan agad ang sasabihin. Isa pa, umagang umaga, akala mo nakalunok ng mic.

"Good Morning," walang gana kong bati sa kanya. May times na cold ako pero hindi ako ignorante. Duh! Dire-diretso akong tumungo sa dining room at umupo. Natulala naman ako sa aming almusal.

Gosh! Torture naman itong nasasaksihan ko!! Tuyo. Sunny side up egg. Fried Rice. Right now, pinapangarap ko na namang maging mortal na tao. Ang sarap ng pagkain tapos hindi mo man lang malalasahan?! Nasaan na ang hustisya doon? Tell me ASAP!!!

"Mika naman eh," nakanguso kong sabi sa kanya habang nagpa-puppy eyes. Ano bang nagawa ko at napagtripan mo akong i-torture ngayon??

Madalas, lumalabas ang childish side ko when it comes to foods.

"Masyado kasi akong maagang nagising kaya napagtripan ko talagang magluto," sabi naman nito habang nakatalikod. Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya doon sa kitchen counter. Don't tell me...

"Here," bago ko pa matapos ang iniisip ko, naglapag na siya ng isang tasa sa harap ko. Hmp! I hate you, Mika! Ipagtimpla ba naman ako ng Caramel Macchiato. Favorite ko 'yan eh!!

Feeling ko nagkaroon na naman ng digestive system ang katawan ko. Ramdam ko kasi ang pagkalam ng sikmura ko or that's what I thought.

Hay... Buong breakfast tuloy, nakanguso ako. Torture kaya!

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon