✔| 12 | First Day

63 14 67
                                    

Hobby ko na ito
at hindi magiging sapat
ang break-up namin
para tigilan ko ito.

[Altheia Coreene's POV]

Kasalukuyan akong naliligo ngayon. Shocks! Na-miss ko yung pakiramdam ng pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Sobrang refreshing at nakare-relax.

Pinatay ko na ang pagkasindi ng shower at saka pinunasan ang aking katawan bago balutan ng tuwalya. Tumungo ako sa kung saan nakalagay ang facial care ko.

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Tao na ako ulit pero nanatiling kulay itim ang buhok ko at mga mata. Sabi ni Madame, 'yan daw ay isa sa palatandaan na patay at kaluluwa na talaga kami.

Though, bumalik na sa pinkish ang kulay ng aking labi. Hindi na rin kulay abo ang balat ko. Wala na rin itong mga cracks. Lumambot ulit ito at saka naging blooming. Oh 'di ba!

'Altheia, nasa labas si Chase ng suite mo.'

Kung may iniinom akong tubig, nasamid na ako. Paano kaya nakabibigla yung inner voice ko! Kapareho ko pa naman siya ng boses.

Lumabas ako ng kwarto ko at agad narinig ang maingay na door bell. Binilisan ko ang paglakad saka binuksan ang main door.

Nakita ko naman si Chase na nakatayo. Inalok ko siyang pumasok na agad niya namang tinanggap.

"Ang ganda ng suite mo," puri nito habang naglilibot. Maingat niyang hinahawakan ang mga babasagin na bagay.

"Hindi ba ganito ang istilo ng sa iyo?" Nandito ako sa kusina, nagluluto ng almusal. Nagulat naman ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa kanang balikat ko.

"Nope. Personalized ang disenyo ng bawat kwarto at nagbe-base sila sa dating kwarto mo." Napatango-tango naman ako sa kanyang sinabi. Inalis niya na ang pagkakahawak sa balikat ko at umupo sa dining area.

"Makikikain ako, ha?" Tumango na lamang ako at nagkibit balikat. Pinagpatuloy ko ang pagluto.

Tumulong naman si Chase sa pagdala nitong mga pagkain sa dining area. Magsisimula na sana kaming kumain nang tumunog na naman ang door bell.

Akmang tatayo na sana si Chase ngunit pinigilan ko siya at ako na lamang ang lumapit sa pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong si Maddie pala.

"Musta! 'Di ka namin masyadong nakasama ni Mika nung training, ha?" Binuksan ko ng maayos ang pinto para makapasok siya. Ngitian niya naman ako.

"Sorry, sis! May iba kasi akong inasikaso," Tumango na lamang ako at saka siya inaya sa dining area.

Natigilan naman siya nang makita si Chase na kumakain. Pinaupo ko muna siya sa tabi ko at saka nagsalita para bawasan ang tensyon na nabubuo.

"Maddie, si Chase nga pala. Chase, si Maddie, kaibigan ko." Tinanggap ni Maddie ang nakalahad na kamay ni Chase.

"So, anong meron sa inyong dalawa?" Bakas sa boses ni Maddie ang pangugutya. Tinignan niya muna kami ng makahulugan bago nagpatuloy sa pagkain.

Pareho naman kaming napailing ni Chase. Ayan na naman! May malisya na naman ang iniisip nila. Hay...

Nawalan ata ako ng ganang kumain. 'Di ko ma-appreciate ang lasa.

○●○●○

Umalis na ang dalawa sa suite ko. Ang dating tuloy sa akin, pumunta lang sila rito para kumain pero okay lang naman. Besides, masyadong malungkot kapag ikaw lang mag-isa kumakain.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon