✔| 23 | The Girl

69 13 49
                                    

Am I fighting
just because I have to
or it's because I knew
it's worth fighting for
in the end?

[Altheia Coreene's POV]

Namamalikmata lang ba ako o si Madame talaga ang nandito sa harapan? Hindi ko naman siya pinagbabawalang pumunta rito pero ang tanong, ano nga bang ginagawa niya rito?

Dahal sa pagkatulala, hindi ko namalayamg natulak na pala ako pabalik sa likod. Natauhan lang ako nang may umakbay sa akin.

"Musta ka na, sis?" nakangiting saad ni Maddie. Pinilit kong ngumiti, "Okay lang."

Buti na lang at hindi ako nautal sa harapan niya. Hanggang ngayon, naglalaro pa rin sa isipan ko kung bakit pumunta dito si Madame. May problema ba?

Umiling ako at pilit na inalis sa aking isipan ang mga katanungang hindi ko naman priority. Humarap ulit ako kay Maddie, "Saan ka pupunta?"

Lumalakad na kami patungo sa exit ng hotel. Tumigil kami sa parking area at saka hinintay ang kanyang sagot.

"Umm... pwede ba akong sumama sa'yo? Wala kasi akong gagawin ngayon," sabi niya habang awkward na nakangiti. Masaya naman akong tumango at pumayag sa kanyang alok.

Napagdesisyunan naming ang sasakyan ko na lang ang gagamitin. Gusto ko rin siyang ipakilala kina Mama. Paniguradong mabibigla sila kasi never pa akong nag-uwi ng kaibigan sa bahay.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Ninanamnam at pinapakinggan ng mabuti ang kantang Keep Holding On na Glee Cast's Version.

Napangiti ako nang maalala ang pag-uusap namin ni Bryan kahapon.

○●○●○

Nabigla ako nang hawakan niya ang aking kamay at saka ito pinagsiklop sa kanya. Nakatitig siya sa kamay naming magkahawak, "Thei, please keep holding on. Malapit na ang tamang oras at sana hindi mag-iiba ang tingin mo sa akin."

Napatingin ako sa nakatungo niyang ulo. Anong ibig niyang sabihin? Ano nga bang mayroon sa explanation niya? Ganoon ba 'yon kalala para pakabahin ako ng sobra-sobra?

Instead of asking, I hugged him tightly. Kung ano man ang explanation na 'yon, I really hope na maiintindihan ko ito.

Besides, he is also a part of my mission now. Sinuway ko ang rule no. 5 para sa kanya at sana, kaya ko itong mapanindigan ko ito.

Kumalas siya sa pagkayakap at saka hinawakan ang magkibila kong balikat, "Meron akong tanong sa'yo, Thei." Bumuntong hininga siya, "Please answer me honestly."

"What is it?" Bumakas ang kaba sa aking boses. Ano ba ang itatanong niya? Bakit ang seryoso niya?

"I know I've been a jerk for breaking up with you but please, be honest with your answer," he pleaded. "Do you still love me?"

I was caught off guard. Bakit tinatanong niya sa akin 'yan? I know my answer pero bakit parang ayaw kong sabihin sa kanya. My hands are shaking. I bit my lower lip.

"Just answer this truthfully. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging sagot mo." I burst out crying. Sinaktan niya ako. Nakipaghiwalay siya sa akin pero I can't help it.

Hindi ko mapigilan ang pagmamahal ko sa kanya na nangingibabaw. He's a jerk for hurting me but that can't change the fact that I'm still in love with him.

Muli akong lumapit sa kanya para yakapin siya. "I love you," I whispered those three words with eight letters on his right ear.

Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan. Pagkatapos ng ilang segundo, naramdaman ko na lang ang sarili kong nakaangat dahil sa higpit ng kanyang pagkayakap.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon