✔| 15 | Bonding Time

70 14 68
                                    

Hindi ba
ganoon kahigpit
ang pagkakahawak niya
sa akin para
mahila siya ng
ganoon kadali?

[Altheia Coreene's POV]

Aish! Ramdam ko ang sakit ng aking katawan. Minsan parang gusto kong bumalik sa Purgatoryo pero I ended up refusing. Andito na ako kaya kailangan kong sulitin at namnamin ang pananatili ko rito sa Mortal Realm.

Besides, this might be my last chance.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at inayos ang nagusot kong bed sheet. Tapos, tumungo sa banyo para gawin ang mga routine ko.

Pagkalabas ko, dumiretso ako agad sa kusina para magluto. I decided to cook Pesto Pasta. Marami akong binili na groceries kaya no worries. Besides, 6:30 AM pa lang ng umaga at wala naman akong importanteng lakad.

Ininit ko rin ang pizza na tira ko kahapon pagkatapos maluto ng Pesto. Yum! Ang sarap na naman ng almusal ko ngayon. Hindi ako badtrip kasi malalasahan ko naman.

Ngumiti ako ng malapad habang tinitignan ang mga pagkaing nakapatong sa dining table. Latte. Pesto Pasta. Bread. Pizza. Feeling ko, kumikinang na ang mga mata ko ngayon.

Nalukot naman ang mukha ko nang marinig kong tumunog ang door bell. Aish! Sino 'yang panira sa moment namin ng pagkain ko?!

Padabog akong lumakad patungo sa pinto. Marahas ko itong binuksan habang magkasalubong ang mga kilay.

"Woah! Anong nangyare sa'yo, Altheia? Umagang-umaga wala sa mood," saad ni Chase at natawa sa huli niyang sinabi. Mas sumama naman ang timpla ng mukha ko.

"Woah! Makikikain lang po," pabiro nitong saad habang nakataas ang dalawa niyang kamay na para bang huhuliin ko. Bumuntong hininga ako at saka siya pinapasok.

Sinarado ko muna ang pinto bago sinundan si Chase. Nagsimula na kaming kumain nang biglang tumunog na naman ang door bell. Bumuntong hininga ako at nagtitimping tinitigan ang pinto.

"Chase, ikaw na ang magbukas." Hindi na ito nagreklamo saka agad sinunod ang utos ko. Ramdam niya siguro ang inis ko. Ka-imbyerna! Gusto ko lang kumain ng mapayapa para mas namnamin ang pagkain. Aish!

"Chase! Andito ka pala!" Agad kong nabosesan ang nagsalita. It's Maddie. Is it just me or sarcastic talaga pagkakasabi niya?

Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Kanina pa ako sabik na sabik kumain. Panira lang talaga ang dalawang 'to. Joke! Again, it's fine with me pero 'wag naman sana nila sirain ang momentum namin ng pagkain ko.

Wala sa sariling napanguso ako habang kumakain. Buti na lamang at 'di ako napansin ng dalawa. Masyado ata silang nasarapan sa luto ko.

"Ang sarap!" nakangiting puri ni Chase. Hindi ko namalayang wala na palang pagkain sa lamesa. 'Di naman ako nabitin, sadyang, gusto ko pang kumain. Buti na lamang at dinamihan ko ang niluto ko.

"Guys, lilipat na ako sa bahay namin bukas." Nagkatinginan naman ang dalawang kasama ko bago gulat na tumingin sa akin.

"Kilala ka na nila?!"

"Ang bilis!!"

"Chill!!" Pilit ko silang pinapakalma habang sinesenyasan na maupo. Pareho kasi silang napatayo kanina. "It's a coincidence."

Nagpakawala muna sila ng malalim na buntong hininga bago umupo. Sinenyasan nila akong magpatuloy kaya tumango ako.

"Nag-apply kasi ako sa AlCo's Café bilang singer. That café is owned by my parents pero 'di ko sukat akalaing pupunta sila," I explained with matching hand movements. Kunot noo nila akong tinignan na para bang nagtataka. Bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy, "My mom hired me as her private nurse. Tinanong niya kasi sa akin kung workimg student ako tapos sinabi ko sa kanya na fresh graduate ako at BS in Nursing ang course ko."

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon