✔| 08 | Introduction

70 13 52
                                    

Manhid nga tayo
pero may isip pa rin tayo.
Sana inalis na lang
ang mapapait nating mga alala
kaysa sa abilidad
nating makaramdam.

[Altheia Coreene's POV]

Shocks! Chosen Souls? Hindi ba, 'yon yung sinasabi ni Madame na galing sa isang misyon? Does that mean, kami ang bagong recruits na sasabak sa isang misyon?

Hala! Anong kalseng misyon naman ang ipagagawa nila sa amin? At saka, anong connect ng misyon na 'yon sa essay na pinasagot nila sa amin?

"Hoi! Altheia Coreene Buenafuerte, tulala ka na naman!" Napaigtad naman ako sa aking kinauupuan dulot ng pagkabigla.

Nasa dorm kami ngayon at kasalukuyan ko na namang iniisip ang Chosen Souls Issue. Hay!

Inirapan ko si Mika at umupo ng maayos. Kinuha ko ang remote control para buksan ang TV namin. Umupo si Mika sa tabi ko pero 'di ko siya pinansin.

Sinapo ko ang noo ko pagkatapos niya itong pinitik. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Umayos ka, Altheia. Baka nakalimutan mong ako ang nagluluto sa pagkain natin," banta nito sa akin. Inismiran ko na lamang siya at nag-make face. Okay lang naman. 'Di naman ako, or should I say kami, nagugutom. 

"Tse! Bahala ka riyan." Nabigla naman ako nung may narinig akong sumisinghot. Hala! Umiiyak ba siya?!

Na-alerto naman ako kaya agad ko siyang sinundan papunta sa dining room. Nakita ko siyang nakatungo kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan ang baba niya. Pilit ko itong itinataas ngunit pasaway ang isang 'to.

Natigilan lamang ako nung narinig ko siyang humagikgik. Itinaas niya ang kanyang ulo at saka siya humagalpak sa tawa. 

"Oh my, Theia! HAHAHAHAHA!!" 

Sinamaan ko siya ng tingin. Ka-imbyerna! Bakit di ko agad naisip 'yon? Oo nga pala, hindi umiiyak ang mga kaluluwa!

Sa pagkakataong ito, ako naman ang pumitik sa noo niya na agad niyang sinapo. Well, mas malakas ata 'yung pagkapitik ko.

She hissed. "Aray!!" Mahina niyang tinapik ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.

Nagkibit-balikat na lamang ako at saka nagsimula nang kumain. Tinaasan ko siya ng kilay noong malaman kong nakatitig pa rin siya.

"Masakit ba?" Dahan-dahan ko siyang nilapitan with worried face. Ngumuso naman siya at tumango-tango. Malakas ko namang tinampal ang noo niya.

"Ano ba?!" singhal niya sa akin. Malakas naman akong tumawa kaya mas lalong kumunot ang noo niya.

"Girl, baka nakalimutan mong kaluluwa tayo?" Ginaya ko po 'yung boses niya kapag kinakausap ako.

Unti-unti namang gumuguhit ang ngisi sa mga labi niya. Hanggang sa pareho na kaming tumatawa na parang tanga.

"Hay... Manhid nga tayo pero may isip pa rin tayo. Sana inalis na lang ang mapapait nating mga alala kaysa sa abilidad nating makaramdam." Wala sa sariling saad nitong babaeng nasa harapan ko habang nakatulala sa kawalan.

She has a point. Sa tingin ko mas mabuti 'yung gano'n? Yung makakalimutan mo nalang 'yung sakit na dulot ng kahapon pero sa bagay... Ang sakit naman na 'yon, ang naging dahilan kung bakit mas naging matatag tayo.

"Tama na ang drama! Kumain na lang tayo." Agad kong kinain ang nasa hapag kainan. Mahina naman siyang napahagikgik. Mabuti nalang... 'di ako sanay na seryoso siya.

"Alam mo, Mika? Okay lang 'yung alisan nila tayo ng pakiramdam pero sana naman hinayaan nila tayong malasahan ang mga pagkain na 'to," kunot noo kong maktol. Lumakas naman ang tawa niya.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon