✔| 22 | Truth Behind

85 15 40
                                    

I already took the risk,
I just have to fight.
I knew it's wrong,
but I have to make it
worth fighting for.

[Altheia Coreene's POV]

Ready na ba ako? Handa na ba akong alamin ang katotohanang tinago nila? Pero kapag nalaman ko na ito, masisira ba ang balanse ng mundo?

Tumikhim si Chase kaya nalipat na naman sa kanya ang aking atensyon. Seryoso pa rin ang kanyang mukha habang diretsong nakatingin sa akin.

"Relax your mind," utos nito sa akin pero nabawasan na ang awtoridad sa kanyang boses, "Sabihin mo lang sa akin kapag ready ka na."

Huminga ako ng malalim at saka pumikit. This is it! Finally! The truth will be told.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, "I'm ready." Tumango ito at saka bumuntong hininga.

"Unang-una, hindi lang tatlo ang classification of souls," panimula niya na nagpatigil sa akin. Tumikhim ulit siya bago nagpatuloy, "Apat sila at ang pang-apat na 'yon ay ang wandering souls."

Magsasalita na sana ako nang pigilan niya ako, "Uunahan na kita. For your information, magka-iba ang lost sa wandering. Magka-iba ang nawawala sa naglalakbay."

Tumango ako at saka siya nagpatuloy, "Ang mga wandering soul ay ang mga kaluluwang na-comatose at nahila papunta sa Underworld Realm." Kung ganoon, isang wandering soul si Mika, 'di ba?

"Mayroon silang mga symptoms para makumpirmang wandering soul talaga sila. Katulad ng naluluhang mga mata o pagbigat ng pakiramdam. Bumibigat ang pakiramdam nila kasi hinihila sila ng gravity papunta sa Mortal Realm." Pinasadahan niya ako ng tingin, "Tama ang iniisip mo, isa si Mika sa kanila."

Naluluha na naman ako. I know, good news dapat 'yon kasi may pag-asa pa siyang mabuhay pero alam ba niya? Kung alam niya, bakit hindi niya sinabi sa akin? Shut up, Altheia! Pwede rin namang wala siyang kinalaman.

Pero kung ia-analyze mo ng mabuti, pwede nga siyang ma-comatose dahil uminom lang naman siya ng sleeping pills. But it's been two months... posible bang iba ang na-inom niya?

Aish! Ano-ano ba itong mga naiisip ko? Comatose siya kaya necessary na hindi siya agad magigising kahit two months na ang nakalipas.

Magpapasalamat na sana ako kay Chase dahil nasagot na ang mga tanong ko pero naunahan niya na naman ako, "Ang isa naman ay patungkol sa lost souls."

Napatigil ako. Mayroon pang iba? Shocks! I didn't see this coming. Anong meron sa mga lost souls?

Imbes na umangal, nakinig na lamang ako.

"Hindi lang para sa mga nagpapakamatay ang lost souls," saad nito. Napasinghap ako at mas pinagtuonan siya ng pansin. "May tanong ako, bakit nagpapakamatay ang mga tao?"

Saglit akong natamaan sa kanyang tanong pero agad rin naman nakabawi para sagutin siya, "Nagpapakamatay sila dahil wala na silang rason para mabuhay o dahil hindi na nila alam ang kahalagahan ng buhay."

"Exactly!" Pumitik siya sa harapan ko at saka umupo ng maayos, "In general, lahat ng nawalan ng rason para mabuhay at nakalimutan ang kahalagahan ng buhay ay maaaring maging parte ng lost souls. Pinatay, namatay o nagpakamatay man sila."

That means... Hindi lahat ng kasama ko noon ay nagpakamatay. One thing we have in common? We suffered too much that made us forget the meaning of life.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Feeling ko, parang hindi pa ito ang lahat-lahat. Feeling ko may kulang. I don't feel satisfied.

"Are you okay?" Nabalik ako sa huwisyo nang tapikin niya ang aking balikat. Tulala lamang akong nakatitig sa kanya.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon