✔| 21 | Remembered

92 16 51
                                    

Pain is part of life,
gaining includes suffering
and unfolding the truth
might hurt.

[Altheia Coreene's POV]

Tanging hikbi ko lang, ang naririnig sa buong silid. Ang mga luha ko patuloy pa rin sa pagtulo kahit kanina ko pa pinupunasan. Paano nangyari 'yon?

Meron pa ba silang tinatagong mga sekreto?

Unti-unti ko namang inalala ang mga pangyayari sa Underworld Realm. Ang mga weird things na napansin ko kay Mika. Wait!

Ibig sabihin totoong naiiyak siya noon? Nung napansin kong parang nagtutubig ang mga mata niya? Tapos may time pa na kinuwento niya sa akin na sobrang bigat ng katawan niya at si Maximus ang nagpagaan sa pakiramdam niya.

Connected ba 'yon sa mga nangyayari ngayon?

Napalingon ako sa bumukas na pinto. Bumungad doon si Mama na mayroong pag-aalala sa kanyang mga mata. Mahinahon siyang lumapit sa akin at saka ako inalok ng yakap.

Buong puso ko naman itong tinanggap at saka umiyak sa kanyang mga balikat. Nagmumukha na akong bata pero wala akong pakialam. Kailangan ko ito...

Magaan at dahan-dahan niyang tinapik ang aking likod na para bang nagsasabing ilabas ko lang ito. I cried more.

Akala ko, pumunta lang ako dito para alamin ang kahalagahan ng buhay. I thought, I will just gain without any pain. 'Yon ang pangalan ng misyon namin, 'di ba?

Pero nakalimutan kong pain is part of life, gaining includes suffering and unfolding the truth might hurt.

Besides, accepting this mission is also a risk. Kasi walang nakakaalam, kung masasaktan ka ba ulit o deserving ka nang sumaya. No one knows...

Unti-unti na akong tumahan kaya kumalas na ako sa pagkayakap. Nahihiya akong ngumiti habang pinupunasan ang mga luha ko.

Matamis niya akong ngitian, "Okay ka na ba, hija?" Tumango ako at saka huminga ng malalim, "Thank you po."

Tumango rin ito at saka lumipat ang kanyang tingin pababa sa aking dibdib. Nagtataka ko namang tinignan 'yon at napagtantong nakatingin pala siya sa kwintas ko.

Napasinghap ako pero natigilan ako sa kanyang sinabi, "Napakaganda naman ng kwintas mo, hija, parang pamilyar nga sa akin."

"Althei-Oh! Hon, nandito ka lang pala." Pareho kaming napalingon ni Mama sa pintong bumukas. Nandoon si Papa na naglalakad na palapit sa pwesto namin.

"Hon, tignan mo ang kwintas niya," nakangiting itong tinuro ni Mama. Lumingon naman sa akin si Papa at natigilan.

Dahan-dahan siya lumapit sa akin kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Baka akalain niya ninakaw ko sa kanya ito!

Maingat niyang hinawakan ang pendant nito at saka natulala. Nanlaki naman ang nga mata ko at saka sinubukang gumalaw para hablutin ito pero mas nanlaki ang mga mata ko...

Bakit 'di ako makagalaw?!

Sinubukan ko ulit gumalaw pero 'di ko talaga kaya. Tanging mga mata ko lang ang nagagalaw ko. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong pare-pareho kaming tumigil pero hindi gumagalaw mga mata nila.

Tumigil ba ang oras? Isa rin ba ito sa sinasabi ni Madame na mayroong mga bagay na hindi aware ang mga tao?

Pagkatapos ng ilang segundo, nagulat ako nang umangat ang mukha ni Papa. Diretso siyang tumingin sa akin kaya agad kong nakita ang iba't ibang emosyong naglalaro sa kanyang mga mata.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon