✔| 29 | New Year

69 14 48
                                    

It's either the pain
will manipulate it
or I will endure the pain
to be aware that
I'm still fighting.

[Altheia Coreene's POV]

Naka-upo kami nina Bryan sa buhangin. Nakaharap sa dagat pero nakatingala sa langit. It's December 31. Hinihintay namin ang fireworks display na magte-take place mamayang 12 AM, which is January 1.

The past few days went well. We did a lot of beach activities including beach volleyball and collecting some shells.

Sina Mommy, Mama at Tita Dianna ay nagluluto ngayon ng barbeque. Sina Papa at Tito Bryson naman ay nagku-kwentuhan habang umiinom ng beer.

Just to let you know, Phoenix, Mika, and Chase are with us. Kasama namin sila papunta rito pero sumakay sila sa sasakyan ni Chase. Si Mika naman ay sumabay kina Mama.

Good to know, hindi naman awkward ang situation at wala rin namang tensyong nabubuo. Currently, nagkukwentuhan kaming anim, Maddie is also here, about life.

"Oo nga pala, Mika and Maddie. Mind explaining?" tanong ko sa kanila. Bumakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha pero agad din naman silang napatango.

"Um... You see, ilang beses nang naghingi ng tawad sa akin si Maddie and I knew, she's sincere. Alam kong pinagsisihan niya na ang ginawa niya." Nakangiti niyang pinasadahan ng tingin si Maddie bago nagpatuloy, "Besides, those two months I've been asleep? I felt at ease and relaxed for some time. Hindi ko na-encounter ang mga demonyong nasa loob ko for two months straight! Nanaginip lamang ako ng masasaya and I will never forget those dreams."

What am I seeing right now, isn't the usual Mika I talk with. Hindi siya ang Mika na madaldal pero ang Mika na marunong umintindi. Her changes of attitude isn't a big deal. She's still Mika, the one I treated as my own sister.

"Gusto niyo bang malaman ang napanaginipan ko?" Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti. Mabilis naman kaming tumango. Kuminang ang kanyang mga mata, "Magkaibigan tayong tatlo sa panaginip ko," turo niya sa sarili pati sa aming dalawa ni Maddie.

"Pinakilala ni Altheia si Chase bilang kaibigan niya pero tinutukso ko sila," she laughed. "Mayroon pa akong isang nakilalang lalake pero wala siya dito. Hmmm... Max? Maxi? Aha! It's Maximus."

Bumuntong hininga ito pero agad ding tumili na para bang kinikilig, "Kyahhhh!!! Alam niyo ba? Sobrang gwapo niya tapos boyfriend ko siya sa panaginip ko." Bigla naman siyang ngumuso at humalukipkip, "Ugh! Sana totoo ang napanaginipan ko. Sana kasama natin siya rito."

Lumungkot ang aura niya habang nakatungo. Lalapitan ko na sana siya nang mabilis niyang inangat ang kanyang ulo. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkalito, "Kaso mayroon akong pinagtataka, bakit kaya black and white ang panaginip ko tapos may crack pa mga mukha natin. Ang creepy!"

Natawa ako ng mahina. 'Yan, lumabas na ang totoong Mika. 'Yung madaldal at sinasabi lahat ng opinyon pero ano daw? Napanaginipan niya 'yung mga nangyari sa amin doon sa Purgatoryo?

Nagkatinginan kaming lahat na nakapalibot kay Mika. Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka at pagkalito. Akmang magsasalita na sana si Chase nang tawagin kami nina Mama para kumain ng barbeque.

Bumangon kami sa aming kinauupuan at lumapit sa kinaroroonan nina Mommy. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain ng barbeque.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon