✔| 26 | The Right Time

77 14 53
                                    

I will miss you,
And I can't even say that.
You're still the one,
Can't even assure you that.
I cannot speak not even a lie.

[Altheia Coreene's POV]

Nakapatong ang dalawa kong siko sa tapat ng railings. Imbes na pagmasdan ang kalangitan, tumingin ako sa baba at saka sinimulang kantahin ang Defying Gravity ni Idina Menzel sa kalmadong paraan.

Napansin ko lang na hindi ko na masyadong naririnig ang inner voice ko. Napaigtad ako nang magsalita siya.

'Andito pa rin ako. Masyado ka lang na-focus sa mga problema at iniisip mo.'

Bumuntong hininga ako. Life is indeed a roller coaster ride. Sobrang complicated at thrilling. I shrugged that thought away at saka sinara ang aking mga mata para mas namnamin ang sariwang hangin.

This vibe is comforting.

Kumunot ang noo ko pero nanatiling nakasara ang mga mata ko. May naririnig akong mga yapak na papalapit sa akin. Natigilan ako nang simulan nitong kantahin ang The Scientist ng Coldplay. Si Bryan, siya ang nagkakanta. Bakas sa boses niya ang kaunting kaba.

"Can we go back to the start, Thei?" 'Yan ang una niyang sinabi pagkatapos niyang magkanta. Nasa tabi ko na siya ngayon.

Nilingon ko siya at mapait na ngumiti, "We can never go back to the start, Bry."

Malungkot niya naman akong tinitigan at saka yumuko. Ngumiti ako ng maliit, "But we can start again."

Umangat ang kanyang ulo at saka 'di ako makapaniwalang pinagmasdan. I smiled. Nakangiti naman itong umiling, "Don't worry, everything will be okay after your birthday. I want to give you some time and space first to sort yourself out."

"I'm so proud of you, Thei, for staying strong. Mahal na mahal kita." Inalok niya ako ng yakap na agad ko namang tinanggap. I hugged him tightly. Ayoko na siyang pakawalan muli.

Siya ang hinihingi kong kapalit sa lahat ng sakit. Lord, please. Kunin mo na ang lahat sa akin as long as I have Bryan.

"I love you too," bulong ko sa kanang tenga niya. Narinig ko ang mahina niyang hagikgik bago kumalas. Tinuro niya ang nakapatong sa isang bench.

"Ice cream?"

○●○●○

Bryan did what he said. For one month, hinayaan niya akong mapag-isa but not to the point na malulungkot ako.

Pagkagising ko, mayroon siyang message sa akin na 'good morning' at sa gabi naman kinukumusta niya ang araw ko. Kung okay lang ba ako. Kung kumain na ba ako.

Para kaming mag-jowa kahit hindi naman.

Still, sobra kong na-appreciate ang efforts niya. With his simple gestures, naparamdam niya pa rin sa akin ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa akin.

It's Christmas Day! Last month, pag-kauwi ko sa bahay nabigla sina Mama at Papa sa mga tanong ko sa kanila. I asked them the truth, kahit alam ko na. I'm testing them kung aamin na ba sila. Fortunately, they did.

Pagkatapos ng isang linggong pag-aayos namin sa bahay, inalok nilang tumira dito sina Mommy at Winter. Sa pagkakaalam kasi nila, nagbabakasyon sina Mommy dito at aalis din ng January.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon