✔| 20 | Comatose

80 15 42
                                    

Sana inisip ko ng mabuti
ang magiging desisyon ko
kasi walang nakakaalam
kung ano nga ba
ang susunod na mangyayari.

[Altheia Coreene's POV]

October 31 na ngayon. Nakatayo ako sa harap ng lapida na may naka-ukit na Altheia Coreene Buenafuerte.

Mapait akong ngumiti habang nakatitig dito. Now I know... alam ko na kung ano ang nararamdaman ng mga pumanaw kapag walang bumibisita sa kanila.

Sad. Painful. Disappointing. Ang mas masakit pa, hindi nila alam na patay ka na pala. Umupo ako sa damo at saka nagsindi na ng mga kandila.

Napagdesisyunan kong bumisita na ngayon kasi siguradong marami nang tao bukas at sa makalawa. Pagkatapos kong magsindi, nagdasal muna ako.

Inilibot ko ang aking tingin, mayroon na ring mangilan-ngilan na tao rito. 'Yung iba nakatulala at 'yung iba masayang nagkukwentuhan kasama ang pamilya.

Hinawakan ko ang suot kong kwintas na ibinigay sa akin ni Papa. Pumikit ako at saka inalala ang aming masayang pagsasama noon.

Nung bata pa ako... Nung may oras pa sila para sa akin... Nung okay pa ang lahat...

Unti-unting bumukas ang aking labi at sinimulang kantahin ang Before You Go ni Lewis Capaldi ng pikit-mata.

Ang weird, 'di ba? Singing this kind of song to yourself. Well, kinakanta ko ito ngayon sa old self ko.

Bakit nga ba? Bakit ko ginawa 'yon?

Sana inisip ko ng mabuti ang magiging desisyon ko kasi walang nakakaalam kung ano nga ba ang susunod na mangyayari.

Anyway, the past few days, okay naman. Buti pinayagan ako ni Mama na pumasok sa AlCo's ng Monday at Wednesday. Good thing, kinaya at na-maintain ko naman ang schedule ko.

Pagkatapos kong magkanta, pinagmasdan ko muna ang aking lapida bago tumayo. Pinagpag ko muna ang suot kong leggings at saka pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng hoodies ko.

Yes, umaga pa lang. Nagpaalam ako na magjo-jogging ako ngayon, buti na lang at pumayag sila.

Tuluyan na akong umalis sa sementeryo at napagdesisyunan kong tumungo sa AlCo's para kumain.

○●○●○

"Hija, tapos ka na bang magbihis?" tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko muna ang sling bag ko bago lumabas.

"Opo," nakangiti kong saad. Tumango naman ito at saka maingat na bumaba sa hagdanan.

Hapon na at mayroong check-up si Mama ngayong araw. Supposedly, weekends ang check-ups niya kaso mayroon atang importanteng pupuntahan ang doctor niya this weekend.

Ako kasama niya ngayon kasi may trabaho si Papa every weekdays. Sumakay na kami sa sasakyan at si Mang Mente ang maghahatid sa amin sa ospital.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nasa byahe. Si Mama nakangiti habang hinihimas ang kanyang tiyan. Si Mang Mente nakapokus ang tingin sa daan. Ako naman may suot na earphones habang nakikinig sa mga kanta.

Pagkarating namin doon, inalalayan ni Mang Mente si Mama hanggang sa mapunta na kami sa clinic. Kahit nagpalista na si Mama kanina, marami pa ring nauna kaya umupo muna kami.

"Hija, gusto mo bang bumaba muna o magpahangin? Okay lang naman, kasama ko naman si Tatay rito," alok nito sa akin.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon