✔| 16 | Boy Next Door

76 14 55
                                    

Sa huli,
pareho lang
kaming masasaktan.
Pero kung sakali,
is this love
worth fighting for?

[Altheia Coreene's POV]

"Mamayang hapon ka pa naman aalis, 'di ba?" maingat na tanong sa akin ni Chase.

Nagtataka akong tumango. Lumiwanag naman ang kanyang mukha at saka hinawakan ang magkabila kong balikat. Kumunot ang noo ko sa kanyang inakto.

"Pwede mo akong samahan magkape sa labas?" nakangiti nitong tanong. Naningkit naman ang aking mga mata.

"Libre mo?" tanong ko pabalik habang hinihimas ang aking baba. Nakataas rin ang kanang kilay ko habang tinitignan siya ng mariin.

Tumango naman siya na parang bata. Marahan niya akong hinila pero pinigilan ko siya. Bago pa siya makapagsalita, mabilis kong kinuha ang backpack ko.

Lumabas na kami ng suite ko at nag-teleport sa baba. Tumungo kami sa parking area at naglakad palapit sa kanyang sasakyan.

Inalalayan niya muna akong pumasok sa shotgun seat bago umikot papunta sa driver's seat. Gentleman. Mayabang siya, that's true, pero mabait din naman si Chase.

Nakangiti siyang nagmamaneho. Sobrang gwapo niya talaga kapag nakangiti. Type ko siya pero hindi siya 'yung taong nagpapatibok sa puso ko.

Out of no where, biglang pumasok sa isip ko si Bryan. Simula noong nagkita kami ulit. Bakit gano'n?

Bakit 'di ko man lang siya tinulak palayo?

Bakit 'di man lang ako nagalit sa kanya?

Bakit siya pa rin?

Bakit siya pa rin ang may hawak sa puso kong sugatan?

Siya ba ang rason kung bakit tumitibok pa rin ito kahit masakit na?

Pero bawal, hindi na pwede. Sa huli, pareho lang kaming masasaktan. Pero kung sakali, is this love worth fighting for?

Nabalik ako sa ulirat nang pumitik si Chase sa harapan ko. Nag-aalala itong nakatingin sa akin. I patted his shoulder.

"Okay lang ako," I assured him. Bumalik na ang kanyang malapad na ngiti at saka lumabas. Gaya kanina, inalalayan niya ako palabas ng sasakyan.

Natigilan ako saglit nang mapagtantong nasa AlCo's Café kami. Umiling na lamang ako't sumabay kay Chase.

Pagkapasok namin, tumungo kami agad sa cashier para mag-order. Caramel Macchiato ang akin habang Caffè Americano ang kanya. Humanap na ako ng mauupuan namin at hinayaan siyang mag-order.

Sa sulok ako pumwesto, suddenly, napaisip ako kung sino ang full-time singers na nagpe-perform every Friday, Saturday at Sunday.

"Actually, kaya kita sinama rito para na rin makita mo ako mag-perform ng malapitan." Biglang pagsulpot ni Chase habang linalapag sa lamesa ang aming mga order.

Nanlalaki ang aking mga mata nang i-angat ko ang aking tingin. Naka-upo na siya ngayon habang sumisimsim sa kanyang kape.

"Ikaw 'yung full-time singer?" Bakas pa rin ang pagkabigla sa aking boses. Tumawa naman siya ng mahina at saka ako ngitian.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon