✔| 19 | Unusual

71 16 93
                                    

(Play 'I like you so much, you'll know it' break up version of Ysabelle while reading Altheia and Chase's part.)

Love is dangerous
while fate is inevitable,
indeed.
It can hurt you anytime
but it takes time to heal.

[Altheia Coreene's POV]

When I kissed him back, biglang nag-pop sa isip ko ang mukha ni Bryan. Tinulak ko ng marahan si Chase. What did I do?

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Chase pero agad rin itong napalitan ng pag-aalala.

"A-ahm, Altheia, sorry. 'Di naman ako nagmamadali. Sorry kung nabigla kita," sincerong saad nito sa akin. Ako nakatulala pa rin sa kawalan habang mahinang umiiling.

"This is so wrong," wala sa sarili kong sambit.

"Chase, this is wrong." This time, tumingin na ako ng diretso sa kanyang mga mata. Nabahiran ng pagkalito ang kanyang mukha, "Ano?"

"Sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon. Nadala lang siguro ako ng emosyon ko," nanginginig kong sambit. Unti-unti na namang tumulo ang aking mga luha. Lumapit ako sa kanya at saka siya yinakap.

"Ngayon pa lang, magiging prangka na ako," panimula ko. "Chase, I can't like you back. Mayroon nang taong nagmamay-ari sa puso ko."

Narinig ko ang pagak niyang tawa. Sorry... alam ko namang ako ang mali. Ako mismo, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon.

"So, it's still him." Nabahiran ng pagtataka ang aking mukha sa kanyang sinabi, "Huh?"

"Your ex-boyfriend," sagot nito. Natigilan naman ako. Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at saka siya muling tinignan ng diretso, "You're right."

"Chase, mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sobrang swerte ko dahil may nakilala akong katulad mo. I mean it," sincero kong saad sa kanya. Kanina pa nagtutubig ang kanyang mga mata.

"I know," tumulo na ang kanyang mga luha. "Besides, I need someone who's willing to stay with me, even though I live in the Underworld."

"Chase, hindi mo ako deserve at hindi kita deserve. We're meant to be like this. I'm sure you'll find her soon. Maybe, na-meet mo na siya hindi mo lang napapansin," saad ko. Ngumiti siya ng maliit, small yet real and genuine.

"Actually, pareho lang tayong sawi. Gustuhin ko mang mahalin ang ex ko, pero bawal na. Hindi na pwede," patuloy ko. Mahina siyang natawa sa aking sinabi.

"But it's your choice, kung susundin mo ba ang sinabi ni Madame o hindi. Nasa'yo kung handa ka bang harapin ang mga consequences kasama siya. Basta tandaan mo, walang imposible sa pag-ibig," paalala nito sa akin. Well, he's right, that's the case.

Hindi pwede ayon sa batas pero mahal ko naman siya at nasa akin 'yon kung ipaglalaban ko ito. If I'm brave enough to face the consequences with him.

"Pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo, Altheia?" tanong nito sa akin. Nag-aalangan akong tumango. Bumuntong hininga siya, "Hayaan mong mahalin kita."

Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako, "Hanggang sa makahanap na ako ng rason para itigil na itong kahibangan ko. Nang sa gano'n tuluyan na kitang mabitawan."

"Chase, baka mas masaktan ka lang," nag-aalala kong saad sa kanya. Pilit siyang ngumiti, "That's the point, para sumuko na ako kasi masakit na. Titigil ako 'pag hindi ko na talaga kaya. At least, sumubok ako at lumaban."

Yinakap ko siya ulit ng mahigpit na ginawa niya pabalik. Mas naiyak ako. Naririnig ko na rin ang mahina niyang paghikbi.

Sorry, Chase... Love is dangerous while fate is inevitable, indeed. It can hurt you anytime but it takes time to heal.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon