✔| 28 | A Day to Spend

83 15 52
                                    

There is us not just you and me,
okay? The moment
you asked me to be yours
is the moment you claimed me
as your companion.

[Altheia Coreene's POV]

Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha nang maintindihan ko ang nais niyang iparating sa kantang sinulat niya.

Pinunas ko ang mga luha ko pagkatapos nilang tumugtog. Dumilim ulit sa entablado at saka tumutok ang spotlight kay Bryan.

Umalis muna siya saglit at pagkabalik niya dalawa na ang hawak niyang mic.

Tumugtog ang I Was Made For Loving You ni Tori Kelly at sinimulan niya itong kantahin sa part ni Ed Sheeran. Bumaba siya sa stage at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko.

Nung nasa pre-chorus na siya, tumigil siya at inilahad ang isang mic na hawak niya.

Matagal ko muna itong tinitigan. I have to make this risk, worth fighting for kaya tinanggap ko ang mic at saka hinawakan ang kanyang libreng kamay.

Imbes na ituloy sa chorus ang kanta, kinanta ko ng Acapella ang part ni Tori Kelly sa una. Nung nasa chorus na, sumabay na siya sa akin at saka tumunog na rin ulit ang instrumental. Para hindi na kami bumalik sa part niya, tumuloy na kami sa bridge part.

Magkasiklop ang kamay namin habang ang isa ay may hawak na mic. Magkaharapan kaming kumanta habang nakatutok lamang ang mga mata sa mata ng isa.

I hugged him tight the moment we finished the song. He hugged me back.

Nung may pumalakpak at naghiyawan, doon ko lang namalayang nasa publikong lugar pala kami at marami na palang nanonood.

"Dmitri!! Altheia!!"

"Girl, I'm so happy for you!!"

"I told you, magkakabalikan sila."

One thing, I didn't notice? Lahat pala ng mga customers ay family, friends and relatives namin. Nakita ko pa sina Mama, Papa and Mommy na kumakaway. Si Maddie at Mika na magkasamang tumatalon. Bati na sila?

Nahagip rin ng mga mata ko ang dating mga ka-bandmate ni Bryan. Pati sina Tita Dianna at Tito Bryson ay nandito. Shocks! Bakit 'di ko napansin 'yon?

For sure, dumating 'yung iba nung nagpe-perform na sina Bryan pero bakit 'di ko pa rin napansin 'yung iba kanina?

Natigilan ako nang sunod-sunod nilang ibinaba ang mga blinds ng Café.

C A N Y O U B E M I N E A G A I N ?

Napatakip ako sa aking bibig nang basahin ko 'yon. Lumingon ako kay Bryan na awkward na nakangiti. Kinamot niya pa ang likod ng leeg niya, "Alam kong nasaktan kita ng sobra-sobra. As I decide things on my own, I didn't think of what would you feel. All you did is to love me dearly and I brought you pain and sadness. But I can still change, I will change. I really hope you'll give me another chance and I will make sure that it'll be worth it this time. I won't promise, but I'll prove it."

Naiyak ako dahil bumalik sa akin ang mga nangyari noon. The time when we broke up. The moment when Papa slapped me. The suicide that marked me as a lost soul. The realizations I got when I came back here. The feelings I never thought I'll experience. The dark times I surpassed with the help of others. A part of me that I discovered.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon