✔| 17 | Nostalgia

83 17 72
                                    

If you need someone,
I'm here.
If you need time,
I can wait.
If you need comfort,
I can buy you an ice cream.

[Altheia Coreene's POV]

"Hija, nakatulog ka ba ng maayos?" bungad sa akin ni Mama. Ngitian ko naman siya at tumango.

"Good morning po!" bati ko sa kanya.

"Good morning din!" bati niya pabalik. Hinila niya ang isang upuan at saka ako inalok umupo, "Sumabay ka nang kumain sa amin, hija."

Tinanggap ko naman ito at saka umupo. Mayroon nang nakahandang pagkain. Siguradong hinanda 'to ni Nanay Ludy—Sandali, nasaan nga pala sila?

"Colleen, nasa itaas pa rin ba si Alfred?" tanong ng isang may pamilyar na boses. Agad ko itong nilingon at saka natulala.

The same old Nanay Ludy, I knew.

Lumipat naman sa akin ang kanyang tingin. Bumakas ang lito at pagtataka sa kanyang mga mata. Tumayo ako't inilahad ang aking kamay.

"Good morning po! Ako po si Altheia Coreene Buenafuerte," pakilala ko at saka tinuro si Mama, "Private nurse po ni Ma'am Colleen."

Tinaggap nito ang kamay ko, "Magandang umaga rin, hija." Nang bumitaw siya, bigla siyang natigilan at saka ako tinignan ulit.

"Magkapareho pala tayo ng apelyido, hija." Napalingon ako kay Mama na nakangiti. Ah... kaya siguro natigilan si Nanay Ludy kanina.

"Ako nga pala si Ludivina Gatcheco, pero Nanay Ludy na lang ang itawag mo sa akin," nakangiti nitong pakilala sa akin. Nasaan kaya si Mang Mente?

"Oh siya, andito na pala si Alfred," sambit ni Nanay Ludy at saka sumulyap sa likod namin.

Ngayon ko lang rin napansin si Papa na nakaupo. Bumalik na kami sa pagkakaupo ni Mama. Kaharap ko siya habang si Papa naman ay nasa gitna.

"Mauna na ako't may lilinisin pa sa may hardin," paalam nito. Lalabas na sana siya ng dining area nang pigilan siya ni Mama.

"Nay! Sumabay na po kayo sa amin."

"Hay... Nako, hija, sasamahan ko na lang si Mente mamaya. Oh siya..." pagkatapos no'n lumabas na siya.

Nagpakawala muna si Mama ng malalim na buntong hininga bago nagsimulang kumain. Sinulyapan naman siya ni Papa.

"Hon, 'wag ka nang ma-stress. Masama 'yan para kay baby," mahinahong sambit ni papa.

Ngumiti naman si Mama at dahan-dahang hinimas ang kanyang naka-umbok na tiyan. Napangiti naman ako sa aking nasaksihan. Baby, take care of Mama kapag umalis na ako.

Tahimik ko lang ipinagpatuloy ang aking pagkain. Suddenly, I felt sad. Nagsisimula pa lamang ako, wala pa nga akong isang linggo rito pero bakit ganito nararamdaman ko?

Bakit feeling ko, hindi sapat ang isang daang araw?

Bakit gusto ko pang humingi ng extension?

'Sana 'yan din ang inisip mo bago ka lumisan.'

Mapait naman akong napangiti. Ngayon ko lang nalaman na konsensya ko rin pala ang inner voice ko. Well, tama naman ang sinabi niya. Masyado akong naging makasarili nung oras na 'yon.

Pero, anong magagawa ko? Sobrang sakit na talaga eh...

'Oo, karapatan mong gawin ang gusto mong gawin pero mali pa rin 'yon.'

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon