✔| 06 | Essay Writing

96 15 57
                                    

I believe nothing lasts.
I will give them another chance
to prove themselves
that they are worthy.

[Altheia Coreene's POV]

Monday na naman ulit?! My god! Tinatamad pa akong pumasok. Wala sa sariling bumangon ako ng kama at tumungo sa banyo. Nagsipilyo ako't naligo. Sobrang bagal kong kumilos ngayon, buti na lang mas maaga akong nagising.

Pagkatapos kong gawin ang aking mga routine, nagbihis na ako. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko. Pagkarating ko sa dining room, kumakain na si Mika.

"Buti hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya bago kumuha ng isang pandesal. Buti na lamang at hindi siya sinipag magluto ngayon kung hindi, badtrip na naman ako.

"Kalabas ko kasi ng kwarto, may narinig akong pagbagsak ng pinto sa kwarto mo kaya alam kong gising ka na." Nagkibit balikat siya samantalang ako naman, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.

○●○●○

"Okay class... Ngayong araw, wala tayong klase!" anunsyo ni Madame Ophelia. Everybody in the class cheered, including me. Syempre, Monday ngayon! Tapos pare-pareho naming ayaw ang Monday.

Napansin ko lang na hindi na masyado strict si Madame tapos palagi na siyang nagta-Tagalog, which is better.

"Ibibigay ko ang oras ko para alalahanin niyo ang ating lesson noong nakaraang Biyernes," saad ni Madame. Natigilan kaming lahat. Hala! Akala ko pa naman, uuwi na. Paasa.

"Madame, bakit naman po kailangan naming alalahanin?" lakas loob na tanong ng isa naming kaklaseng lalake, kasing edad ko lang rin siya. Tumigil naman ang ibang nagbubulungan. Psh! Ayan na naman ang mga bubuyog.

"Mayroong essay writing na magaganap pagkatapos ng break niyo. Nangyayari ang programang ito, pagkatapos tapusin ng mga Chosen Souls ang kanilang misyon." Bumakas ang pagtataka sa mga mukha namin.

Chosen Souls? Hindi ba't tatlo lang ang classifications of souls? Bakit may isa pa?

"Enough with your questions. Start reminiscing. Good luck!" Pagkatapos 'yang sabihin ni Madame, tumungo na ito palabas ng silid. Rinig ko naman ang mahihinang pagngiwi at reklamo ng aking mga kaklase. Sobrang ingay kahit mahihina lang. Marami kasi kami.

Hindi isang tipikal na seksyon ang mga nasa Purge Academy. Sa bawat silid, mahigit isang daan kami o baka libo-libo pa. Imagine, ilang tao ang mga namamatay sa isang araw? Buti nga at hindi magkakasama sa isang silid ang lahat ng namatay sa buong mundo. Nasa ibang kwarto sila.

Ang seksyon dito sa paaralang ito ay isang buong floor at ang bawat floor nito ay kasing lawak ng isang lungsod o mas malaki pa. Duh! Ang dami kayang mga bansa. Basta magkakaibang silid ang bawat bansa. Gets?

Imbes na gumaya sa aking mga kaklase, inalala ko na lamang ulit ang mga sinabi ni Madame Ophelia sa amin nung Friday.

"Last question, bakit o paano kayo naging kaluluwa?"

"Nagkakaganyan ka, dahil hanggang ngayon ang paniniwala mo ay ang nakasanayan mo. Inaakala mo pa ring tao ka."

"Ang buhay ay parang libro lang rin. Lumilipat ka sa bagong pahina at kabanata ngunit ang mga nakaraang binasa mo ay mananatiling parte ng librong 'yon. Kaya ang mga taong nanakit at nang-iwan sa inyo, kahit anong gawin niyo, paniguradong may espasyo sa mga puso niyo na nakalaan para sa kanila. Tayo lang mismo ang tumatanggi pero 'yan ang totoo."

"Hindi ba ang ibang tao wala na sa piling natin? Pero sinabi ko, parte pa rin sila ng buhay niyo. Ano nga ba ang nagkokonekta sa inyo?"

"Alaala. 'Yan ang tanging nagkokonekta sa atin sa mga taong wala na sa piling natin sapagkat kasama natin silang binuo ang mga 'yon na hanggang ngayon, inaalala at naaalala pa rin natin."

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon