✔| 04 | Regrets

87 16 37
                                    

Ang buhay ay parang libro lang rin. 
Lumilipat ka sa bagong pahina
at kabanata ngunit
ang mga nakaraang binasa mo
ay mananatiling parte ng librong 'yon.

[Altheia Coreene's POV]

Saktong ka-ring ng bell ay siya ring pagpasok namin ni Mika sa loob ng silid. Nakahinga kami ng maluwag. Buti na lamang at wala pa si Madame. Hay... Friday na ngayon! Ang bilis ng panahon, no?

Nung Tuesday hanggang Thursday, wala namang masyadong ginawa. At saka, half-day lang ang classes namin. As what I said, hindi naman educational ang pinag-aaralan dito. 'Yung rules and etiquettes lang sa Purgatoryo.

Ang first teacher ulit namin ay si Madame Ophelia. Ano kaya ang pag-aaralan namin ngayon?? Nung Wednesday kasi, wala kaming classes ng morning. Meron kasing meeting ang mga teachers and officials. Pumasok lang kami after break.

"Good Morning, Madame Ophelia!" Buti na lamang at agad akong natauhan kaya agad akong nakahabol sa pagtayo ng aking mga kaklase. Mahirap na... Baka ako na naman ang hotseat.

"Sit down," ma-awtoridad na saad nito. Sinunod namin ang kanyang inutos at umupo ng maayos.

"Observe your classmates," utos nito. Nagtataka naman naming inikot ang aming paningin. Anong meron?? Bakit kailangan naming pagmasdan ang mga kaklase namin?? Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa aking mga kaklase. Tsk! Parang mga bubuyog!

"What did you notice??" Tumigil ang mga bulungan matapos magsalita ni Madame. Ngayon, ang tingin niya naman ang umiikot sa bawat estudyanteng naririto sa silid.

"Madame!" Tawag ng isa sa kanya habang nakataas ang kamay. Lumapit naman siya rito at sinenyasang tumayo.

"Iba-iba po ang aming mga edad," kinakabahang sambit ng isang babae na sa tingin ko'y kasing edad ko lamang. Iniiwasan niya pa ang titig ni Madame na tila ba isang virus.

"What else?" tanong ni Madame habang naglalakad pabalik sa kanyang pwesto sa harap. Nakahinga naman ng maluwag ang kaklase kong sumagot pagkatapos niyang umupo.

"Ano ang itsura niyo at bakit ganyan?" tanong ni Madame habang nakatayo sa harapan. Nakataas ang kanyang kilay habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso. Ngayon ko pa lang siya narinig mag-Tagalog.

"Yes, Ms. De Guzman?" tawag niya kay Mika. Si Mika naman tumayo ng maayos at humarap kay Madame ng diretso.

"Kulay abo po ang aming mga balat. Bakas rin po ang mga cracks at pagkatuyo nito. Ganyan po ang aming itsura sapagkat isa na kaming kaluluwa." Mababakas mo pa rin ang kaba sa boses nito ngunit mas lumalamang ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

"Very well said, Ms. De Guzman." Gaya ng isa kong kaklaseng babae, huminga rin ng maluwag si Mika pagka-upo nito. Nginitian ko siya nung humarap siya sa akin. Hindi kasi kami magkatabi, nasa bandang harap siya ng kabilang column.

"Last question, bakit o paano kayo naging kaluluwa?" Seryosong tanong nito bago nagwagi ang katahimikan sa buong silid. Ayan na naman ang nakabibinging katahimikan. Pare-pareho kaming natigilan. Pati ang pinakamahinang bulungan kanina ay tumigil.

Naging kaluluwa ako dahil nagpakamatay ako.

'Yan ang sagot ko sa utak ko. Unti-unti akong natigilan at natulala. Tila isang sirang plaka ang mga naging magagandang ala-ala ko sa Mortal Realm.

Si Mang Mente na masaya akong tinutulak habang nakasakay ako sa bike.

Si Nanay Ludy na masaya akong binibihisan at pinapakain.

Ang pagtabi sa akin ni Mama sa kama noong nagkaroon ako ng masamang panaginip at paghalio niya sa noo ko bago matulog.

Ang kuwintas na isinuot sa akin ni papa na niregalo niya sa akin nung 7th birthday ko.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon