✔| 03 | ConSoul

107 17 38
                                    

That time, I was contented
with his performance
dahil akala ko
magtatagal pa kami.
I thought, kami na talaga
ang para sa isa't isa.

[Altheia Coreene's POV]

Tumungo muna ako sa garden ng Purge Academy. Kulay abo at matamlay tignan ang mga halaman at bulaklak. Tahimik pero masyadong nakabibingi. Ramdam ko ang bigat at malungkot na aura ng paligid or that's what I thought. Oo nga pala, emotionless kami.

May narinig akong tugtog ng gitara. Sobrang banayad pakinggan. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko sa paligid. Parang nabawasan ang lungkot kahit madilim pa rin pero sapat na 'yon. At saka, parang pamilyar sa akin ang pagtugtog nito.

Anyways, since then, music lang ang tanging nagko-comfort sa akin.

Unti-unti akong tumayo sa pagkaka-upo ko sa damo. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para pagpagan ang palda ko, kaluluwa na kami. Wala nang kumukapit na dumi sa mga suot namin. Lalapitan ko na sana ang pinanggalingan ng tunog ngunit...

"Theia!! Buti nandito ka pa??" Hay... Para na namang nakalunok ng mic ang babaeng 'to. Panira pa, makikita ko na sana kung sino ang tumutugtog.

Ang babaeng tumawag sa akin ay walang iba kun'di si Mika. Hayyy... Sakto ngang pagtawag niya sa akin, ay tumigil na rin ang pagtugtog ng gitara. Sayang talaga!

Hindi na ako lumingon sa likod dahil kay Mika na ako nakaharap. Sigurado ako, 'yung narinig kong kaluskos mula sa likod ay ang taong tumutugtog ng gitara.

Gusto ko muna sanang mapag-isa habang pinapakinggan ang kanyang tugtog. Pero no choice ako, andito na kasi ang makulit.

"Wala naman akong kasama sa dorm, masyadong nakaka-bored doon," sinagot ko na lang siya at hindi na pinagsabihan sa kanyang pagsigaw kanina lang. Pinigilan ko na lang ang sarili ko. Baka ma-stress lang ako.

"Tara na nga! Sabay na tayo bumalik," yaya ko sa kanya at hinila na ang kanyang braso. Mabilis akong naglakad kaya ni-ready ko na sarili ko.

Handa na ako, alam kong anytime sisigawan na naman ako ng babaeng hila-hila ako. Pero nagtaka ako, nung ilang minuto na ang lumilipas, tahimik lang itong nagpapahila sa akin.

"Uyyy??" Tatanungin ko na sana siya kaso ngayon ko lang napansin na nakatulala siya. Hala! Anong nangyari sa kanya?? "Ok ka lang, Mika?"

"Ahh?? Ahh! Ahhh... O-Oo!" Noong una para siyang ewan na nagpa-panic pero nung nakita niya ako, uutal-utal naman siyang sumagot.

My god! Ano bang nangyayari sa babaeng ito?? Hindi ako sanay! Pinagpatuloy ko lang ang paghila sa kanya patungo sa dorm namin. Mamaya ko na lang siya tatanungin.

Pagkarating namin sa dorm, umupo siya sa sala kaya umupo rin ako. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, hanggang ngayon nakatulala pa rin siya. Natauhan lang siya nung napansin niya akong nakatitig sa kanya.

"B-bakit?" kinakabahan nitong tanong sa akin. Bigla naman siyang tumili at pumikit. Tinakpan ng mga palad niya ang kanyang mukha at saka siya tumayo.

Akala ko tutungo siya sa kwarto niya, pero tumalon-talon siya. Hala? Nababaliw na ba siya? Dalhin ko na ba siya sa Medical Division?

"Hoi! Tumigil ka nga diyan," saway ko sa kanya. Tumayo ako at hinawakan ang magkabila niyang mga braso para tumayo siya ng maayos. "What's bothering you, Mika?"

"KYAHHHHHH!! Girl ganito kasi..." tumili muna siya, bago ako kinausap ng mahinahon. Ngayon, siya naman ang humawak sa magkabilang balikat ko. Dahan-dahan niya akong tinulak patalikod at ini-upo sa sofa.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon