✔| 05 | Realizations

108 16 65
                                    

Nahulog tayo ng
walang sumusalo sa atin,
kaya naman
natutunan nating tumayo
gamit ang sarili nating mga paa.

[Altheia Coreene's POV]

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko. Naka-upo sa harap ng vanity table ko habang nakatulala sa salamin. Tinititigan ko ang aking leeg, kung saan nakalagay dati ang kuwintas na ibinigay sa akin ni Papa. Naiwan ko 'yon sa Mortal Realm dahil sa pagkakaalala ko ipinasok ko 'yon sa lalagyanan niya.

"Ang buhay ay parang libro lang rin. Lumilipat ka sa bagong pahina at kabanata ngunit ang mga nakaraang binasa mo ay mananatiling parte ng librong 'yon. Kaya ang mga taong nanakit at nang-iwan sa inyo, kahit anong gawin niyo, paniguradong may espasyo sa mga puso niyo na nakalaan para sa kanila. Tayo lang mismo ang tumatanggi pero 'yan ang totoo." naalala ko na naman ang mga sinabi ni Madame kaninang umaga.

Kung tutuusin nga, dapat tayong magpasalamat sa mga taong nanakit at nang-iwan sa atin, sapagkat sinaktan nila tayo. Inisip natin na may pagkukulang sa atin, so we created a new version of ourselves. The better one.

Nahulog tayo ng walang sumusalo sa atin, kaya naman natutunan nating tumayo gamit ang sarili nating mga paa. Nasaktan tayo kaya mas lumakas tayo.

Napuno ng sana at mga what if's ang utak ko. Sana inintindi ko na lang sina Papa. Sana nag-adjust ako. Sana nagpakatatag pa ako. Sana hindi ako sumuko agad. Sana mas nag-focus ako sa kahalagahan ng buhay. Eh 'di imbes na ipamukha kina Mama na hindi nila ako inalagaan, sana ipina-realize ko na lang sa kanila ang pagkukulang nila. Sana hindi ko ipinagkait sa kanila ang pangalawang pagkakataon.

'Di ko mawari kung bakit mas napapansin natin ang mali kaysa sa tama. Marami ka mang mali o konti, 'yon lang palagi ang napapansin nila. Hindi tayo marunong maka-appreciate at makuntento.

Katulad ko... Nasa tabi ko naman sina Nanay Ludy at Mang Mente pero masyadong akong makasarili. Kasi kahit alam ko 'yon, pinili ko pa ring iwanan sila. Kaya siguro hindi tayo nakukuntento, dahil palagi tayong may hinahanap. Tayo mismo iniisip nating may pagkukulang sila sapagkat may hinahanap-hanap tayo.

Akala natin wala silang pakialam sa atin pero di natin napapansin, tayo pala ang nakatalikod. Tayo pala ang hindi nakatingin. Hindi natin sila makita sapagkat sa iba tayo nakapokus.

Let's say, hindi ko naramdam ang pagmamahal ng mga magulang ko pero at least tinulungan nila ako financially. Sila ang bumili sa pagkain at damit ko.

One of the things I realize today? In the end of the day, there is this word "At least" that could make you realize, that is enough.

May bukas pa naman. May panibagong araw pa, para ipagpatuloy ang hindi mo natapos.

Tumayo ako sa upuan at humiga na sa kama ko. Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Biglang nahagip ng mata ko ang gitara na binili ko dito, sa Purgatoryo. Naalala ko na naman si Bryan. Siya kasi ang nagturo sa akin mag-gitara.

Bumangon ako sa kama ko at linapitan ang case ng gitara ko. Binuksan ko ito at kinuha. Ini-strum ko muna ito, kung nasa tono, bago umupo sa kama ko. Sinimulan kong kantahin ang kantang sinulat ko.

Now Playing: No One Cares
(Composed By: L A I N A)

I'm gonna rise from the words, they gave me, and just let it go.
But there are times, I just want to lock myself and fall.
I'm postive that I'm gonna make it there 'til the end.
But there are times, I just want to tell that I need a friend.

Maybe that's the right thing to do.
Maybe I'm just thinking of you.

So, I tried to stop and give myself the rest I deserve.
But realized, I have to keep on moving because they might leave without me.
Honestly it hurts sometimes.
Knowing no one cares about me.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon