✔| 10 | Training

95 14 58
                                    

Easy to say
But hard to follow,
that's the real definition
of Rules. Besides,
Life is full of surprises.

[Altheia Coreene's POV]

"Hoi! Altheia! Gising!" Nalaman kong may tumatapik sa akin dahil nakabukas ng kaunti ang mata ko. Besides, sobrang lakas ng boses ni Mika. Parang may mic na nalunok.

Dahan-dahan kong binuksan ng maayos ang talukap ng aking mga mata. Bumungad sa akin si Mika na sobrang sama ng tingin. Nalilito ko naman siyang tinignan.

"Late na niyan tayo, girl!! Bakit ba kasi 'di ka nag-set ng alarm ngayon?!" Ano? 'Di ako nag-set ng alarm?

Inalala ko naman ng maigi lahat ng ginawa ko kagabi. Shocks! 'Di ba talaga ako nag-set ng alarm? Well, sabagay... Magdamag kong iniisip 'yung sinabi ni Madame.

"Sorry naman," paghingi ko ng pasensya. Inirapan niya lang ako at saka tinalikuran. Hala! Nagtatampo na naman siya. Bakit ba kasi nakalimutan kong mag-set ng alarm?!

"Mamaya mo na isipin 'yan! Maligo ka na, girl!" Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos kong marinig yung sigaw niya mula sa labas.

Mabilis kong sinunod ang kanyang sinabi. Inayos ko muna ang nagusot kong bed sheet at saka tumungo na sa banyo para gawin ang aking mga routine.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako't nag-ayos. Kinuha ko muna ang aking bag bago tuluyang lumabas.

"Sorry na," pangungulit ko sa kanya habang mahina siyang tinutulak. Napabuntong hininga naman siya bago ako tinitigan ng mariin.

"Ok, fine." Masaya ko naman siyang nginitian at saka tuluyan nang kumain.

"HAHAHAHAHAHA!!!"

Bigla siyang tumawa habang nakakapit pa ang isa niyang kamay sa tiyan. Nuguluhan ko naman inangat ang aking tingin dahil nakatutok ako kanina sa pagkain ko.

"It's a prank, girl!!" Patuloy lamang siyang humahalakhak. "You should have seen your face earlier. So priceless. HAHAHAHAHA!!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Nahagilap naman ng mata ko ang aming wall clock sa living room. Shocks! 6:20 pa lang ng umaga. Aish!

"Humanda ka talaga sa akin, Ayumi Francheska."

Siguro sobrang dilim na ng aura ko. Tapos kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa siguro nakahandusay sa sahig ang babaeng 'to.

"Oh... I'm scared." Umakto pa siyang nakayakap sa sarili with terrified look pero agad ding napalitan ng nakakalokong ngiti. She made some weird faces before eating her food.

Hayyy... Just wait, Ayumi. You'll see.

○●○●○

Nasa gymnasium na kami ngayon. Alam niyo, anong nangyare kanina? Muntikan pang magkatotoo ang prank ni Mika!

Paano ba naman, pagkatapos niyang nag-make face tinuloy na namin ang pagkain namin. Relax lang kaming kumakain. Inikot ko ang paningin ko tapos dumapo ito sa orasan.

Nagtaka ako nung napansin kong 6:20 pa rin ang nakasaad dito. Kinuha ko naman ang cellphone ni Mika na nakapatong sa lamesa.

Akmang kukunin niya ito sa akin pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Oh my god!!! 6:50 na ng umaga. 7 o'clock ang start ng training namin. Malakas ko namang binatukan si Mika kaya nabalik siya sa kinauupuan niya.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon